Showing posts with label Work. Show all posts
Showing posts with label Work. Show all posts

Sunday, January 20, 2013

Reality 8: Ang painting ni Jessica at interpretasyon

Ang dami kong namiss sa life ko!

It was Tuesday dumating ang pinadala na painting ni Jessica, (hongsweet ni jessica) Wednesday ko na nadala dahil sa lagnat kong yon, hindi ako nakapagwork. Tambay higa pahinga sa bahay para hindi mag-50/50 ang buhay. I am grateful that despite sa busy kong life, I still have friends I know pag-uwi ko na dyan lang sila behind the monitor lol cover lang? hindi ko pa man nakitang personal ang mga taong mahilig tumambay sa social network sites, parang ang tagal ko na rin silang kilala, paano nababasa ang kanilang kwento sa kanilang sariling blogsite, oh diba, always part tayo sa buhay ng isang tao kapag nagbasa tayo sa kanilang buhay. Echos!

Dahil labadami labango ako kaniinang umaga, ngayon lang ako makapag-update at ma-ipost itong painting na pinadala ni Jessica. Super touch ako dahil pinaghirapan niya gumawa nito kahit sa mga pinagdadaanan niya sa buhay and as I have promised I’ll give my personal interpretation sa drawing niya. This is just only based sa common theory at experience ko in regards to social psych rin, (nababasa at na-aapply slight)

Madalas sinasabi ng iba na theory lang ang pag-interpret ng mga bagay2x lalo na kapag sa guhit at sa painting pero lalabas ba ang theory kung wala silang pinagkukunan nito? Depende siguro. Sa isang institution ng mga bata, pag-guhit ang madalas na ginagawang activity sa kanila para maintindihan sila especially yong mga bata na hindi nagsasalita, nagddrawing, nagkukulay at base sa output nila, doon babasahin kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.

Totoo yon kasi may isang bata nga na ayaw magsalita, laging tulala pero kapag binigyan mo ito ng papel, Crayola at lapis nagreresponse siya at alam niyo ano ang ginuhit ng bata? Isang bata at may isang malaking lalaki na may balbas, malapit lang ang isang bata at ang lalaki at doon nalaman ano ang nangyari sa kanya dahil may nakalagay na maliit lang na line doon banda sa ari ng lalaki, meaning ginalaw ang batang ito. Nag-in depth investigation at doon nga naconfirm na may nangyari ngang hindi Maganda.
Ito naman kay Jessica na painting, a combination of yellow, red, black and orange, napaka intense ng energy niya, madami siyang iniisip siguro sa mga panahon na ginawa niya itong painting, minsan kasi hindi natin napapansin pero subconscious natin ang nagtutulak gawin ang isang bagay. Ang kapal ng pagkapinta ni Jessica sa black at red orange,  parang ang init ng dating sa akin, may gusto siyang gawin or kunin pero hindi niya ito alam papano, saan magsisimula at paano magsisimula, gustong mapag-isa malayo sa madaming tao, ang isang tree, ito ay pwedi nating maging comfort kapag tayo ay nalulungkot, ang hangin na binibigay ng puno ay parang nakakarelax ito, nakakaalis ng stress at nakakatulong ito linawin ang ating isip especially kapag may mga decision tayo sa buhay ng kailangan natin panindigan, kaso ang tree ni Jessica ay maitim, isa lang ang nasa isip ko, naghahanap siya ng matatakbuhan.

Black- gustong mapag isa, sa isang kwarto kapag kulay itim lumiliit ito, kahit gano kalaki ang kwarto. May pagkamysteryosa itong Jessica hahaha she is conservative, sophisticated and she wants to find comfort. Melancholic ang kanyang approach sa painting.

Yellow – makulay ang buhay ni Jessica, yellow represents happiness, positive outlook sa buhay, nagbibigay siya ng liwanag sa ibang tao, nagiging strength siya sa iba kagaya yan ng isang sun nagbibigay liwanag sa atin. Definitely, creative si Jessica, gusto ng challenge na Gawain, and this yellow represents more of the brain rather than a heart.

Red – hyper si Jessica hahaha, confident definitely, strong at may pinaglalaban talaga puno ng pagmamahal ang batang ito at gustong magbigay ng pagmamahal sa ibang tao lalo na doon sa walang wala. 

To combine them all, super intense talaga ang painting, high ang energy level, ang lalim, may pinaghuhugotan, may pinagdadaanan, may gustong sabihin at kumukulo na ito sa kanyang isipan hindi na mahintay na ipahiwatig. lol hehehe 
Ang subconscious pala natin ang pinakamadaling example na kaya kong ibigay ay itong mga lalaking nambubugbog ng asawa, oo diba nageexist pa yan sila, kung tatanonin sila kung ang tatay ba nila ay binubugbog ang kanilang nanay, 7 out 10, oo ang sagot. Kahit hindi nila gusto gawin ang bagay na yan pero yan ang kinalakihan nila, lalabas at lalabas talaga yan. Nasa likod ng isip nila at nakikita nila yon habang sila ay lumalaki na normal lang ang pangbubogbog kaya ito ay ginagawa nila din sa kanilang mga asawa. Kung ang babae na nambubogbog ng lalaki, well baka may dahilan yan kung bakit!! Hahahaha jowk! Hehe

Maraming thank you kay jessica for sending this painting with message sa likod, ipapaframe ko ito. hehehe ito ang unang painting nareceived ko sa isang kaibigan na natagpuan sa social network sites hehehehe ito ay gawin kong inspirasyon para mas lalo ko pang pangarapin ang maging doctor sa pagtulong intindihin ang sarili (para naman as if naintindihan ko ang aking sarili! bwahahaha). char!! echos!! at patuloy pa rin ang aking supporta sa passion mo at walang duda na naniniwala ako sa iyong kakayahan na malayo ang mararating mo jes!!! thanks ng marami ulit. muah! 


Syah, ito na muna ngayon kasi maglilinis ulit na ako. Lol





 

Tuesday, January 15, 2013

Reality 7: I'll be there one day.

I accepted the fact that you are not here with me anymore, you can’t rant over the things I badly made, and I truly missed it. you let me go, and I did too, this is because I don’t want you to suffer more, so you won’t be in pain anymore. You let me decide on my own now, you cut my wings, and you cut me all. I didn't know how to live after you left, after you decided to let go of the things you used to have here with me. I know that there are situations we can’t even control. I also know I have been stubborn all the time but I learned. It wasn't all easy moving on knowing that you are the greatest strength that I have all my life, what I am now it is all because of you.

I feel that pain every day, the more they say how good you were, it breaks me, I always remember how we have suffered, how we fought our lives together and I left all alone now standing, moving forward and hoping for a new tomorrow. Whatever battle I have now, I am doing this for you, I am bringing back what we've lost. I will be there one day. I silently want to be more than what they think I can.

I know you’re still here with me, you’re still guiding me and you want to give me the life I deserve. You are still the reason I lived up to my dreams and survived up with some expectations. It may never be the same again but I am trying to live on what has been left in me. I am still pushing this dream.


One day, I will fly for free as you always told me, “the more you travel, the more you get smarter.” Someday, I will wake up in a hurry to catch up some flight for work, wearing my best corporate attire, when I arrived at my destination, somebody will open my car, a car that has a Philippine flag in front, shaking hands to dignitaries, talking to my own secretary for schedules, I will be standing in front to many, making a difference to individual, promoting new programs and services to improve the lives of the people.  Travelling abroad as well to give honor to our OFW's, attend to certain needs and problems, I will be a motivator in my own circle, family, friends and relatives. I will speak for our country someday. From the law of attraction, these are possible if I keep on thinking about this, if I attract this to happen, this will happen and I will make this to happen. 5 years from now I will go back and read this again.

All these dreams have been made because of my late mother who is pushing me even I was still a kid that I can do more than what she did. I miss you mommy! And you will always be an inspiration in getting these dreams. I’ll be there one day! I promise. =)



Thursday, January 10, 2013

Nakakabuhay ng dugo ang mga Ti..

Naaliw lang ako at gusto ko lang ito ipost para hindi ko makalimutan ang usapan na ito…

Masaya ang aking kasamahan dito sa opisina at ubod ang kwento niya sa lahat.
Sabi niya…

May isang anak na nagdurusa kasi namatay ang kanyang tatay. Ang sabi nong anak sa embalmer…

Anak: pls maawa ka, sana gwapo at mukhang bata ang tatay ko sa kanyang burol.

Embalmer: ako na po bahala maam, trabaho po naming ito.

Sa burol ng kanyang tatay, ang mga taong dudungaw sa kabaong, laging nakasmile at tumawa, parang masayang masaya daw…

Hindi kasi tumingin ang anak dahil sobrang nasasaktan pa siya sa mga pangyayari. Pero dahil nakangiti bawat taong dumalo, nainggit at tiningnan din niya ito…

Kaya pala...

Monday, December 31, 2012

There's always a light within

Matutulog na sana ako but when I checked my fb account, may nakatag sa akin na picture from a friend and an advocator of the cdo street tutorial, he made an article and published in Cagayan times (metroSpect). May ganito na pala sa city, napaka insensitive ko ata before lels! Ngayon ko lang nalaman ang magazine na ito, nag-eexist pala. Haha sorry kasi ang nababasa ko madalas eh ibang mag at newspaper. Pero natuwa ako dahil yong Christmas party sa cdo street tutorial eh na-featured, yong picture na napost ko sa aking blog (sila ang kukulay ng ating pasko) yon ang ginamit para sa article. Yong nakapink na nakatayo ako nga yon! Lels! Walang duda, kasing taba ng puso ko ang katawan ko! Hahaha

I would to thanked and congratulate everyone! All of us, part tayo dito and the learning I got from this experience will surely go a long way from here. a part of me will always be to those kids who gave me a reason to smile and help me push my dream more.

here's the link for the article (MetroSpect-The CAGAYAN TIMES)

 

Saturday, December 29, 2012

Ano ang reality mo sa buhay ngayon...


Ang isshare ko now – reality check sa buhay. Iba kasi nagtapos ang araw ko kahapon sa office and naconnect sa usapan namin ng sissy ko when we went out last night. i know that we have our own fields sa buhay, kanya-kanyang profession, gusto at hilig. Pero tanong ko, isa lang, haha what do you know about the profession na social worker? As in registered social worker? I just laughed when people answered na taga bigay ng bigas, relief kapag may disaster! Ganon lang yon? Hahaha may bagong trend naman ngayon, kapag sinabi social worker konek right away sa 4ps teh! Hahaha hindi ha! It’s beyond that sa totoo lang hehehe "from womb to tomb" sabi ng iba kasi lahat ng social problems, yon ang hinaharap namin! lels! kinarer! I cannot read mind and thoughts but I can assess bakit ang isang tao naging problema sa society natin, bakit may mga bata nasa institution, mga taong palaboy, addict etc... Saka na yang lecture na yan haha let’s go back. I  just wanted to share this para maiba naman, hindi emo ang ikukwento ko, hindi rin joke! Haha lels!

In the office we deal with a lot of social problems, everyday different situations, people and stories. Maawa ka minsan, maiinis ka. So kailangan malaking unawa para maintindihan sila pero teh! Minsan talaga dahil tao lang tayo, nagagalit ka rin and hindi mo maiiwasan ang situation na yan, walang santo sa mundo, if meron man pakilala mo sakin! Hahaha

About to end na kahapon, around 3:30 pm, may babae dumating, yong kasama ko talked to her, chika galore, humihingi ng pambayad sa hospital kasi nanganak! Ok naintindihan ang aspeto na iyan, PERO siya na yong nanganak, siya pa ang naghahanap ng pambayad ng hospital. Siya ha na kakapanganak pa lang, yong kasama kong kumausap sa kanya, nakikita ko na ang mukha na ALAM ko na! alam ko ng naiinis na siya.

Umalis ang babae… after 30 minutes bumalik.

May problema si ateh ulit! Wala silang pagkain. At take note, siya ulit ang pumasok sa opisina na kakapanganak pa, yong anak niya nasa hospital, naka-incubator pa. imagine? Siya na kakapanganak siya pa ang humingi ulit ng pagkain, siya ang magbibitbit ng bigas na ibibigay ng opisina. Ang tanong SAAN ANG ASAWA niya?! My officemate keep on asking saan ayaw niya magsalita, AT!!! Hindi lang pala unang anak yon teh! Wag ng itanong sakin kasi alam kong mas kukulo ang dugo niyo! Hahaha everyday ganyan ang mga situations na-eencounter namin, and slight pa lang yan, minsan may mga mentally challenge na nagdadala ng bomba-bombahan daw iyon at pasasabogin ang opisina namin, kuh teh! Nakakalukah! Kaya nakakastress talaga sa opes!

Si kapated naman ay isang nars!

Na-assign sa isang government hospital. Unang field, sa ob ward (different gov’t hospital) ngayon nasa suite room naman (another gov’t hospital) sa OB ward, sabi niya, laging no stock ang nakalagay sa mga resita ng pasyente niya so kailangan bilhin sa labas. Matagal daw bumabalik ang nauutusan bumili ng gamot, hindi lang minsan, madalas yan. Maya ko na kwento kong bakit, bitin slight muna teh! ngayon sa suite room naman, hindi daw sila naglalagay ng NS dahil iba ang policy.  Dahil nasa suite room sila, walang rason hindi sila makakabili ng gamot. (Check!) yong sa ob ward naman, matagal bumabalik kasi walang pambili, kailangan pang hanapin, at utangin sa mga kapitbahay nila o kamag-anak para mabili ang gamot kahit mefenamic lang yan, oo mefenamic pain reliever that cost na wala pang ten pesos pero walang pambili. Reality like this must see the government pero ewan ko ba! Nasa gobyerno ako at nakikita ko anong systema nila, wala ako sa position to raise that issue. The government turn deaf about it, as always! Our political system ay isang malaking factor na nakakahinder ng development sa community. (ma-shoot to kill na ako nito! Haha tama nayan!)

Sabi ni kapated, kapag sa ward nagkamali ang isang nars, wala ng tanong ang mga pasyente, pero kapag yong mga pasyente nasa suite room at nagkamali ang nars, nagrereklamo. Those patients or clients as common we used, sa opisina yan pumupunta kapag wala ng pambayad, we can assess them, we can link them to other line agency na pwedi tumulong sa kanila. Minsan ‘tong si kapatid, dahil sa awa ng mga patients niya sa ob ward dati, marunong ng gumawa ng love letter para sakin stating na “ate, please help kasi kawawa naman!” ganyan ang feeling at ugali namin kasi pinalaki at pinakain kami ng isang social worker licensed, yong nanay ko! Oo, yong mommy ko ay isang social worker kaya alam namin bakit may taong mayaman at mahirap, iba-iba ang ugali, pananaw sa buhay, gusto sa buhay, saan galing ang mga problema nila etc.. Pero ang lahat-lahat ay isang choice, a choice to be made na yan ang gusto mo maging sa sarili mo. amen! Hahaha






Saturday, December 08, 2012

Pablo Pablito Pabling

I traveled 4 municipalities yesterday and that took me a day. itong si Pablo gave reasons to people to panic. Lels!! I congratulate all the disaster team for the preparedness because in our city and province walang casualties like we had with sendong. Now they are doing better than before, now people learned their lessons too.

It was a hell fun when I got the chance to travel in our municipalities. Yesterday was different in all the travels I had in the past. My officemate said I was like hitting two birds in one stone because I brought with me my closest friends from school to conduct an interview to solo parents in the municipalities. While I was doing my job delivering the relief goods, I accompany them to visit the local social welfare office to interview a focal person on solo parents. I did my job as an employee; I also did my homework as a student. Hahaha simpleng diskarte lang yan!! I have to do it wala akong choice I have been very busy with this Pablo. Naku! Hahaha

I just couldn’t take this out of my head when my boss called me that morning. Like he said – ok ibigay mo kay mayor yan and “magpakodak!” ka ha, (take picture with the mayor) hahaha i tried not to laugh while talking to my boss hahaha he could have said it like “magpapicture ka ha” tan-enay!! Hahaha my boss can’t still get out of his head that “Kodak” hahaha he is not old though.

While on our way, nakakatakot because we were in the military truck and going to the municipality where doon daw sila nagkaroon ng ambush! When the driver told me that, don’t you think hindi ka maparanoid? Hahaha and he even added that “military truck at may sakay na army, mainit sa mga mata ng mga npa yan!” nah!!! In my thoughts. I wonder what would be my face when that will happen, or what will I do in case may npa nga, at saan ako pupunta. Hahaha it’s really fun thinking about it!! Hahaha

No school today. Yes!!! Feast of Immaculate Conception! Oh yeah!! Now I love My RVM School. Hahaha




Friday, November 09, 2012

How will you understand them?

One of the challenges I encountered every day in my life especially in the office is yong you are talking to different people and hearing different sentiments in their life, I may say we have problems but if we look into the bigger picture, there are more na mas mabigat at mahirap ang problema if you are just sensitive enough to lend your ears.

There are a lot of cases every day, there are also common, but one thing I assure you is, they have different stories. You know, if you are a psychology graduate or studying psych, social work or even sociology you will understand most of the things that Is happening around us, we are sensitive to things, situations and even our own family situations, we are very careful to that. But to those na walang background, it doesn’t matter at all, other people in the rural to be specific, their only priority is mapakain ng tatlong beses ang pamilya nila in one day, swerte na yon if three meals na.

I met a lot of people already, mayaman at mahirap, pero isa lang ang narealize ko all this time working, pare-pareho tayo ng nararamdaman when our immediate family goes to the hospital, walang mahirap at mayaman if you have a deadly disease. The difference between the government hospital and the private, it’s too big, pero hindi lahat ng nakaprivate hospital, lahat nakakabayad, dahil sa laki ng bill, kailangan mangutang or magsangla ng property para mailabas ang kanilang pasyente. Sa government naman, maliit ang bayad, madami ka pang pweding puntahan to pay the remaining amount of the bill pero kailangan mong mag-tiis at makipagsiksikan sa hospital.

One of the most challenging cases I have handled is yong nag-lalabor, young age, teenager, may ka-live in partner at ang haharap sayo, mga magulang pa rin nila and when you ask them a question “how old are you nanay when you had your first child?!” ang sagot “kasing edad ng anak kong nanganak, mam!” history repeats itself?! tama ba ako? Oo kasi yon ang nakikita nila, yon ang naririnig nila and these children thought that it’s right, minsan ang iba they made an excuse na hiwalay ang magulang at kailangan nila ng kasama. Ikaw, pano mo isipin ang ganyang situation? Is it acceptable? Reasonable? Justifiable? Ako, depende yan, kasi there are cases naman na rape victim, nabuntis, hindi acceptable pero walang may gustong ma-rape!

May mas challenging at nakakainis sa lahat, 42 years old, gave labor to her 13th child, kasabay ang anak niyang naglalabor din for her 1st child, means apo na niya yon. Ngayon, kaya  mo bang intindihin ang mga taong tulad nila? Then the person na haharap sa’yo is yong tatay na parang wala lang, they don’t even think of ano ang ipapakain nila sa anak nila. They are just one of those kind of people na na-eencounter ko every day sa buhay ko, this gave me the reason to aim more, dream hard para one day, I know I can’t change the world, I can’t change everything but at least I could share something that is worth to live in this world.


Monday, October 15, 2012

We are all going there... old age.

One afternoon of October 4, 2012, i was going to school and I come to pass by an old lola in the corner of the street who is trying to fix something, she tried to bend as she could to reach the newspaper with her faeces inside and that really strikes me a lot. The moment I saw the lola, i shook my head and there’s a lot of questions poke my head that I myself could not even answer for I know there are a lot of possible reasons to my questions. I was really hurt seeing far behind the lola who is helping herself to fix the mess that I myself can’t help her. I know she could still think of cleaning it before she will be reprimanded by some authority and she has no choice but she has to do it by herself. 

I don’t know who’s to blame, we don’t even know what’s really the reason behind why that lola is on the street. One thing I know with our Filipino culture, we are obliged to take care of our parents and grandparents, we may have something to give or doesn’t have at all. It is part of our values also that has been instilled that no matter what, we have to attend them. It really strikes me until now, It was one of the social issues that open my eyes to reality that gave me some hint on what I can do more in the future and with the profession I have chosen.

If only their voices have been heard, I know how happy they will feel when they know that before they die they are secured already. Everybody is going to where they are now, I don’t think each individual can afford to be like them, sleeping on the streets without blanket, they eat once a day and has no bed to take a rest. I don’t know why government cover their eyes and ears on this matter; I don’t think they still have to wait that somebody will raise that issue to give these street grandparents a home to stay. They just don’t want it because they can’t use or help for their political or electoral agenda. But their prayer does!! Mom told me once “kapag bata nasa daan, madaming pupulot, pero kapag matanda, wala!” and now that I have grown up, I certainly agree to my mother.

Sunday, October 07, 2012

Home without a mother


Life without a mother at home on Sunday is too empty I must say but I am enjoying every single chance that I have with my sissy and father. When mom died a year ago, things had been change and it’s never been easy. As an elder daughter, I have to stand, be firmed and remain strong for the family. I am not married as well as my sissy. We took care of my father who is just 54 years old, young to be a widower.

When mom died, it’s the turning point of my life. I saw myself became stronger than I was, I remained calm in every situation that comes in, and I stand in every way. Partly I am now making decisions too and I am seeing my worth in that matter. There are a lot of things we need to balance actually in our life, we have to maintain smooth relationship to our family, friends and co-workers in order to function very well. I can say that I am working on that slowly everyday.

Time is too consuming to me now, I have a great life I can say, I learned to balance everything I want to happen in my life, my work, my school, my family and friends, I can still go to the gym to cut some fats and I see some improvement on that. Discipline is the keyword.

I can say that I have grown up so fast after mom died and i ponder that a lot. I am not my mother but as she always told me before that “you can never be like me but you can be more than me and you can do more than what I have done” and everything she said is becoming my reality now. Mother’s knows best that’s my conclusion and realization. One day when I myself turn into be a mother also, probably 80 percent of me I will get it from my mother, after all my mother brought me up to this world and nurtured me and became the person whom she want me to be. 

Sunday, May 27, 2012

Hiatus

Wow just i have thought that na kaya kong isabay ang mag-aral, magwork, magblog, diyos ko lord ang super hirap!! i've been so busy the last semester then dagdag pa ang summer classes na todo dugo na ang pwet ko kakaupo dahil as much as possible ayoko mag-absent. well i don't know how far i will go sa blogging career ko (megenun talagang kerer!! haha) nakakamiss na rin magblog, magkwento sa araw mo-masaya or galit at inis ka man at may ibang taong hindi mo kilala na nagbabasa sa blog mo at a simple comment from them will make you smile, that's a simple thing but it is kinda a big thing to you already. so much i wanted to update my blogsite, tell all the things happened in my life kaso hindi ko na na-aasikaso, nabebehind na ako sa ano ang latest sa blogsphere. ngayon, i could say na nakakapagpahinga ako kasi i have my weekend back, no hassle, no more worries to think of, no classes yet and nakabawi na rin ako ng tulog. ang aasikasuhin ko na talaga ngayon promise totoo na 'to ang pagpapayat na!! hahaha 

Friday, January 27, 2012

kailangan ko ng headset!!



Owlord Jesus mary! Maaga ako sa office kanina than the usual (lagi kasi ako late eh!! Hahaha) maganda ang panahon, medyo maulan (ohh sendong pls wag ka ng bumalik!) kaso when I got into the office umulan ng mga bunganga naman!! At ikwento ko anong nangyari, ipagdasal ko na masummarize ko lahat. Hahaha

Putak ng putak ang isa kong kasama dahil sa overtime (may overtime dahil sa sendong lels!!) dahil ayaw  niyang magbawas ng kahit konti para ibigay sa nagttrabaho ng mga payroll namin, at madaming reasons na binigay niya, noted naman talaga siyang may hokos pokos dito sa opisina pero kebs ang lahat ng tao dito dahil kami nalang ang nahihiya para sa kanya. Siya ang laging naghahabol sa pera, minsan na niya akong niloko, ilang beses nangungutang pero hindi marunong magbayad kaya ngayon NO WAY akong magpautang sa kanya kahit bente pinagdadamot ko talaga!! Hahaha

Alam kong madaming kababalaghan nangyayari dito sa office namin mula nong siya ang may hawak ng mga stocks sa opisina, no say nalang ako kasi ako ang pinakabata dito at ayokong irisk ang aking values baka diko mapigilan mawala ako sa sarili ko at magfeeling feelingan na tama ako!! Shet!!
  
So back sa topic, galit na galit sya, ingay2x niya, paulit-ulit walang katapusan ang sinasabi so ako nagtimpi ako, ng nakalabas siya, sumigaw lang ako to release my stress at natawa ang boss ko so sabi ko  "I NEED A HEADSET!! ang ingay eh!!," na-istress ako sa kanya!! Punyetas niya!! Dahil madami siyang ginagawang kalokohan takot syang balikan nito, minumulto na siya, mukha na siyang lola na nasa 40s pa naman sana ang age niya (manlait na ako talaga, galit ako eh!! Hahaha) yan ang sinasabi ng matatanda na kahit anong sikap gawin mo kung sa masama naman galing ang pera, hindi ka rin aasenso which is happening to her 6 years ago na ganon at ganon pa rin hindi siya umuusad, tumanda nalang ako ng slight dito sa office, ganon pa rin sya!! hahaha

Araw2x na lang kasi ginawa ni lord na sobrang ingay niya, laging galit na wala namang dahilan kaya bumili ako ng headset para through my action, maipahiwatig ko sa kanya na I am not interested sa kanyang pagbubunganga!! Wala akong pakialam sa overtime (maliit kasi ang ot ko dahil siya lang naghokos pokos na maglagay, sa kanya ang malaki, kapal ng mukha!!) sa kanila baka mas need niya ng lalaki niya!! Oo kahit lola ang mukha niya kumikiringking pa rin siya sa iba!!! Futa!! Hahaha siya na!! siya na ang may bonggang buhay!!

Ako ang taong di nakikialam, kaya kong di makipagusap dito sa opisina basta nakaonline lang ako tahimik na ang buhay ko, as I’ve said the same sa mga previous post ko, simply lang ang buhay ko, tahimik ako at di ako madaldal, di ako nakikichismis as much as possible sa mga kaopisina ko, pag may narinig ako hindi ko na ito sinasabi sa iba para hindi mapagsimulan ng gulo, at contento na ako sa buhay ko.

Happy ako to have my new headset para lang masabi ko dito sa opisina na ang ingay niyo!!! Hahaha I ate sundae na rin sa Jollibee to relieve my stress and its working!! Kalahati pa lang ng araw ko yan ha!!! Hahaha