Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang
paligid.
Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact
date and last year pa ito.
Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.
Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi
maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.
Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem)
iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang
naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.
Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na
araw.
This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class
niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may
kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach
program sa kanilang lugar (zamboanga city).
Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa
school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil
napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa
classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.
So nasa labas kami ng classroom…
Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang
celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am
p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG
KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako
at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman
syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment
dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.
Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema
kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni
ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa
ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and
sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha
ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya
binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko
yon eh, alam ko rin that moment when my
sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)
That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that
she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na
matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni
ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang
loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.
I left the school and I called my cousin, war na war talaga
sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit
kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore
because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that,
whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin
yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig
talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually
nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang
pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami
nagmeet.
Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know
na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang
pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba
talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng
tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging
ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami
kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako
dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama
ko.
Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako,
hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA
AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko
dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong
puno talaga ako sa araw na yon.
Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang
pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang
confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa
araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon
hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan,
ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang
confrontation sa tamang paraan.
Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang
moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.
P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at
hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga
requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time.
Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit
pagod na pagod.



