Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Tuesday, January 15, 2013

Reality 7: I'll be there one day.

I accepted the fact that you are not here with me anymore, you can’t rant over the things I badly made, and I truly missed it. you let me go, and I did too, this is because I don’t want you to suffer more, so you won’t be in pain anymore. You let me decide on my own now, you cut my wings, and you cut me all. I didn't know how to live after you left, after you decided to let go of the things you used to have here with me. I know that there are situations we can’t even control. I also know I have been stubborn all the time but I learned. It wasn't all easy moving on knowing that you are the greatest strength that I have all my life, what I am now it is all because of you.

I feel that pain every day, the more they say how good you were, it breaks me, I always remember how we have suffered, how we fought our lives together and I left all alone now standing, moving forward and hoping for a new tomorrow. Whatever battle I have now, I am doing this for you, I am bringing back what we've lost. I will be there one day. I silently want to be more than what they think I can.

I know you’re still here with me, you’re still guiding me and you want to give me the life I deserve. You are still the reason I lived up to my dreams and survived up with some expectations. It may never be the same again but I am trying to live on what has been left in me. I am still pushing this dream.


One day, I will fly for free as you always told me, “the more you travel, the more you get smarter.” Someday, I will wake up in a hurry to catch up some flight for work, wearing my best corporate attire, when I arrived at my destination, somebody will open my car, a car that has a Philippine flag in front, shaking hands to dignitaries, talking to my own secretary for schedules, I will be standing in front to many, making a difference to individual, promoting new programs and services to improve the lives of the people.  Travelling abroad as well to give honor to our OFW's, attend to certain needs and problems, I will be a motivator in my own circle, family, friends and relatives. I will speak for our country someday. From the law of attraction, these are possible if I keep on thinking about this, if I attract this to happen, this will happen and I will make this to happen. 5 years from now I will go back and read this again.

All these dreams have been made because of my late mother who is pushing me even I was still a kid that I can do more than what she did. I miss you mommy! And you will always be an inspiration in getting these dreams. I’ll be there one day! I promise. =)



Monday, January 14, 2013

Reality 6: Heaven and Purgatory

I just remembered this story again from my office mates about dead people. (aga ng November ko lol)

Is there really heaven? May purgatory rin ba?

Isa lang to sa kwento ng mama ko rin, yong experience niyang kausapin ang kanyang client na humihingi ng tulong sa kanyang opisina…

She was dead na daw, in fact dinala na siya sa morgue dahil na-declare ng patay siya. Ang kwento may isang tao na pumasok sa morgue para buksan ang ilaw, may gumalaw daw at ang taong ito hindi naman natakot na puntahan at tinanggal ang nakatakip sa patay na tao, biglang sabi ng babae na “TUBIG!” uhaw na uhaw ako.

Ang sabi nitong babae, naglakad daw siya ng malayo, paikot-ikot. May nakita siyang liwanag na halos daw hindi niya matingnan dahil sa sobrang liwanag.

The only thing my mom asked her was “have you seen GOD?”

Sunday, January 06, 2013

Pasasalamat: Birthday Molo Special

Gusto ko pang matulog ng matagal! (sabi ng utak ko yan) sarap ng tulog ko kanina at biglang sumigaw ang tatay ko “LArrraaaahhh!!” nagulat ako! At grrrr… nakahiga pa rin ako haha umulit pa kaya sabi ko “bakit?!” akala ko babatiin niya ako, ang sabi “andyan na yong labandera, saan na mga damit mo!” lol ganda ng gising ko teh! nabitin ako sa tulog lol

Like I said magluluto ako ng molo ni rix, hep! Hep! Yahoo! Yehey! Kung kalian ko naman bday, saka pa ako sinipag maglinis haha kaya umalis ako ng bahay mga 1pm na para bumili ng ingredients sa molo na yan at iba pang lutoin. Hindi ko na dinamihan ang handa kasi tatlo lang kami, wala akong inexpect na bisita naman kasi alam ng lahat yong nanay ko lang ang mahilig sa handaan at sa mga lutong pang-party, since wala na si mader ang nasa isip lang nila baka nagdinner kami sa labas.

Pero mas natuwa ako sa birthday ko today dahil sa inyong lahat, dahil sa inyong mga greetings, lalo akong tumataba lol este ang puso ko. I’m happy seeing the comment box ko na ang dami, kahit flood pa  yan natutuwa ako, habolan na yan sa top commentators ha! Hahaha maganda ang ibibigay kong award, magagamit pa. hehe

Sa lahat ng bumati, maraming salamat talaga, ang saya ko sa birthday ko dahil sa inyo.

Segway slight…

Wag magtaka rin sa mga kaibigan ko sa fb ko kung ang dami kong pangalan lol

Ang LALA talaga ay nickname ko yan pero hindi ko na ginamit nong nag-hs na ako. Relatives lang ang tumatawag sa akin ng lala but dahil gusto ko ng for a change, ito ang ginamit ko sa blogspero dahil at home ako dito. Lol

Nagulat ako dahil for how many years akong buhay dito sa earth natin, paiba-iba na pala ang pangalan ko at hindi ko na namalayan yon, sa pagdadalaga ko pinangalanan akong “BOINKY, BOINKS” dahil nga mataba ako sa paningin nila ( sa paningin ko naman, normal lang ako! Lol)

Ng magtrabaho nako, ayon na! wala na akong choice but kailangan gamitin na ang totoong pangalan! Ganyan!

Gusto ko rin magthank you sa kanila, sobrang lakas ng tibok ng aking puso sa inyong ginawa, lalong sumaya ang aking birthday... 


nasurprise ako sa ginawa ni tonio, he message me sa twitter at fb, late ko ng nabasa kasi nag-gegems pa ako! lol ito pala iyon.. at ito na nga ang ginawa niya, may pa-blink2x pa yan hindi ko lang alam paano yan gawin dito kasi noob na noob lang ako haha salamat sayo TONIO the HE-MAN. lol ang sweet mo talaga kahit palihim hehehe 


at hindi ko rin inasahan ito kay mecoy, alam ko sweet itong si mecoy sa mga comments niya sa blog, sa daldal niya hindi ko akalain magkaron pa siyang ng oras gawin ito. o dibah! ang pugi lang niya! kung ako kasing edad niya, payat, sexy at malandi, rerapin ko na talaga to si mecoy!! hahaha jowk!! natuwa lang talaga ako ng bongga, sa ngiti niya at halah ang ma-sel oh! lol pero salamat mecoy!! bawal na akong tawaging ate ha! hahahaha 


bago ang aking birthday, ito ang kinagulat kong pinadala ni JonDmur, eksayted siya kaya nauna ng nagpaputok, naunang magpaputok ng wine! o diba ang bonggang ni penguin! seryoso lang sa akala niyo pero ang sweet niyan, hindi lang sa babae pati na rin sa mga lalaki. aminin! hahaha jowk!! pero salamat JON! 


JonDmur PART 2: mas ikinagulat ko naman ito!! nawindang ako ng slight! hindi halatang eksayted si jon sa bday ko! hahaha pero tawang tawa ako dito dahil ubod ng init naman ang picture na nasa likod ng mukha kong bilog! (hindi na yan bilog in 3 months! haha) nagpakipot pa si john, hinubaran nalang sana niya itong lalaki to, para magkaalaman nah! hahaha sayang! pwedi na sanang ikaw yan! lol pero gaya ng sabi ko, ayaw ko ng lalaking may ma-sel kasi hindi na lalaki yon! hahaha jowk!! ok na ako sa chubby! lol 


hindi ko rin ito inasahan galing kay mami joy dahil bilang bagohan dito sa blogsphero at ang dami ng friends ni mami joy, hindi niya ako nakalimutan gawan ng card, natuwa pa ako sa language na ginamit niya, may natutunan na ako! hehe dagdag sa kaalaman. maraming salamat dito mami joy, pinataba mo ang aking puso. 


last but not the least naman itong aking kaibigang si senyor! ginawang kontrobersyal ang aking bday dahil alam ng lahat hindi na ako katorse! hahaha sa mukha kong yan mag-dedebut pa ako! debut sa isip! haha pero natawa at natuwa ako dahil sinabi niya sa akin na nag-alarm pa siya para batiin ako! hahaha ganyan, kumusta naman yon!? kailangan talagang sabihin para makonsensya ako! hahaha pero salamat senyor, napasaya mo ako sa aking bday!! muah!! see u sa march! hehe 

dagdag ko pa ito kay senyor iskwater, diniin na naman niyang 12 hours niyang ginawa para makonsensya ulit ako! hahaha thank you ng marami teh at naipost mo ba sa blog mo, tuwang tuwa ako sa nagawa mong tula, saktong sakto sa akin! hahaha sobrang na-tats talaga ako! 



(sa nakalig-taan ko, please raise your hand lang para maidagdag ko, ang gulo kasi ng mga files ko sa laptop ngayon pasenya na hehehe)

at sa lahat ng bumati sa akin sa comment box, maraming salamat, kapag ako ay nagka-oras, gagawa ako ng AVP ng inyong mga greetings! 

dahil kay rix, ako ay na-inspired magluto ng molo sa aking bday, salamat at napaka-inpluwensyal mo! kapag magtutulak ka ng druga malamang bibili ako sayo! hahaha jowk!! 

salamat din kay archie na talagang idinikdik niya sa akin na siya ang pinakaunang bumati sa lahat dahil 4 hours ahead sila sa oras ng pilipinas! natameme naman ako doon dahil oo nga, bday ko na sa NC nong binati niya ako ng happy birthday. ang sweet talaga ang kamahalan namin! 

at si pao na hindi niya nakakalimutang pakainin ang alagang baboy ko sa blog, salamat hahaha tuwang tuwa ka talaga doon. dahil kay pao kaya ako nag-alaga ng baboy. lol 

at si sis arline, 12:13 niya akong binati sa twitter, salamat kapatid. mamaya siya naman ang aking babatiin dahil magkasunod kami ng bday pala hehehe 

so ito na talaga ang molo...para matapos na itong post ko na to, feeling ko ang haba na! hahaha 

Ito na nga ang molo… sinimulan ko na.


ito na nga! tadeeenn!! hindi ko makita ang pangalang PANCIT MOLO sa grocery kaya iba nalang ang binili ko, sotanghon! lol nganga na nganga lang ako! hehehe may apoy sa likod, dyan ang dirty kitchen namin, dyan ako nagluto dahil mas mabilis at masarap kasi kahoy ang ginagamit at mas TIPID na rin! hahaha 


hindi ko maintindihan ang hitsura! haha pero wala naman sa hitsura yan, nasa lasa yan! kaya lang hindi niyo naman ito matitikman, sa susunod mag-imbento tayo ng online tasting para masaya ang lahat! 


iseserve na, ayan na! masarap siya dahil madaming pepper at onion leaves! yon ang nakakadagdag ng lasa plus syempre the chicken broth! yon ang supporting artista sa pancit molo na yan! 




ito patapos na ang aking birthday, salamat sa inyong lahat, nasa isip at puso ko kayo kahit magkalayo man tayo! echos!! sa dami ng sinabi ko, ang ending pancit molo special! hahahaha 

at ang chika ko pala, ayon may bumati sa aking fb ng hindi ko inaasahan, kala ko may maramdaman ako, pero wala na! yohoo to me! ye!! i'm free!! lol 



 

Saturday, January 05, 2013

Pre - Birthday thoughts

Matagal-tagal na rin pala akong nabubuhay sa mundo natin. Lol ay, hindi naman ako lola pa, nasa midlle age pa ako. Haha bukas magsimula na ako ulit maglakbay sa panibagong chapter sa buhay ko. I still have no plans para bukas, pero sure ako na magluluto ako ng molo ni rix, (binigyan niya ako ng recipe, ako pala humingi haha, nainggit kasi ako na nagluto siya.) ako, si erpats at sissy nalang ang natira kaya malamang will invite my tita and tito, pinsan wag na ang kapitbahay muna, walang handa! Hahaha ilang oras nalang at wala na, dagdag na naman sa edad ko ang 2013 na taon. Hehehe

Akala ko noon joke lang sinabi ng mommy ko na year of the pig ako, akala ko talaga kasi dahil bilog ako, mataba kaya nagjojoke si mader. Lels! Iba kasi magbiro yong nanay ko serious tingnan, strict pero nagtthrow na ng sariling joke niya. So, tama, year of the pig ako! Ka-bday ko pa nga si shawie! Tan-inay! Naalala ko pa noon nong first time kong pumunta ng manila, 6 yrs old ata ako, wala pang dyalibi sa amin nga noon, kahit dunkin donut or mcdo, probinsyang probinsya lang talaga. Kaya nong dumating kami sa manila, pasyal-pasyal, ganyan, at nakita nila ang poster ni shawie na nagendorse pa siya ng LUX na sabon noon, walang hiya, pinatayo talaga ako doon at pinicturan kasi daw magkabday kami, ang tita (hindi namin relative) ko ang nagencourage sa akin kasi artista din si shawie! Hahaha parang ako naman ang nahiya ngayon! Hahaha at dahil wala ngang resto pa sa ciudad namin, lahat ng statwa nila dyalibi, mcdo may picture din ako! Nakakaloka! Dahil bata kapa, wala kang choice but sumunod! Heeeee!! Talaga!!!

Hindi ko rin alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi ng iba na kapag Capricorn eh they stick to decision, talagang panindigan, selfless – laging iniisip ang ibang tao kaysa sa sarili, career oriented – talaga lang? depende siguro yon, ayaw ng mediocre na trabaho – oo naninwala ako dito dahil ganyan ako lol, may ambition at commitment sa lahat ng ginagawa niya – ay soh true, achiever din daw – baka, saka ko na sabihin kung achieve na achieve na ang aking mga goals. Hehehe kung sasabihin ni sis arline na totoo ang mga ito dahil magkasunod lang kami ng bday, maniniwala na ako! Hahaha nandamay pa ako.

May handa or wala, para sa akin, kulang pa rin dahil wala na si mommy, this is my 2nd birthday na wala na si mader, gaya ng sabi ko lagi, I have to live my life kung ano ang meron, dyan pa ang papa at kapatid ko siguro ito muna, yan muna kasi ayoko na magreklamo sa mga bagay na wala diyan dahil lahat ng nangyayari may dahilan. Hindi ko rin alam ano ang naghihintay sa birthday ko bukas, wala akong expectations dahil ayoko madisappoint. Wala na rin akong inisip sa love na dumating bukas kasi wala na nga. Echos! Bitterbitteran ang beauty! Lol

ay, salamat pala kay cyron, unang bumati talaga sa akin sa FB ng happy birthday. hehehe excited? lol thanks gwapong cy! 




Friday, January 04, 2013

Reality 3: ito na ang aking daan…pinagdadaanan


Lumiko ako minsan sa buhay ko, no worries hindi naman ako nag-drugs or nagbenta ng katawan. Lol umabot lang sa ponto na nagugulohan ako sa buhay ko, hindi ko alam ano ang gusto ko, sumabay pa ako sa problema ng mama ko at that time, I know I was selfish, immature and stupid.

Yong mama ko, was once a head sa isang government agency, my mom has also a strong personality, kung ano ako ngayon, yon talaga siya no more no less. Dahil sa strong personality na yan at sa pagiging committed sa trabaho, nakita niya ang kanyang mga staff na may corruption ng nagaganap, pinatawag, inayos. Tuloy ang buhay pero hindi na mauulit ang mga bagay na yong mga staff used to do, malaking pera yon, alam ko na ngayon kung bakit dahil gaya ng sabi ko tinahak ko rin ang profession niya.

Dahil sa galit at hiya nong mga staff na yon, nagkaron ng gulo, yong mga corrupt gumawa ng isang groupo para alisin ang mama ko sa position, may isang tao rin kasing gusto kunin ang position kaya gumawa ng mga eksena, naghanap ng butas. Ayaw ng mama ko ng gulo, nagresign kagad si mader, mga high school pa ako noon, mahirap kasi provided kami mula pagkabata hanggang lumaki until dumating ang problemang yan. Sumakay ang aming lawyer, binenta niya ang case namin sa kabila, umabot na nga kami ng supreme court eh. Alam niyo anong hirap dinaanan ko non, yong trauma na bawat mailman na dumarating sa bahay na nagdadala ng sulat galing sa mga court, nanginginig ako sa takot. That was ten years higit pa… walang kaluluwa ang mga taong gumawa non sa amin, kala mo sila lang ang kumakain.

Naging swerte si mommy right after that kasi tinanggap siya sa isang agency ulit where in yong mga pesteng corrupt na mga tao, dadaan sa kanyang mga kamay kasi hihingi ng tulong, nasa regional agency naman siya that time. Nakita ko ang hirap ng mama ko, yong iyak araw-araw, yong sakripisyo namin, yong adjustment lahat na. sa araw-araw ng buhay ko that time sabi ko hanggang kelan matatapos to, pano ako makakaganti. Hindi nacontento ang mga taong yon, naghanap ulit ng butas, nangyari na nga kinakatakotan namin. She left the service without nothing sa kamay niya after almost 36 years of service sa government. mga panahong yon, wala akong magawa, hindi ako makagalaw kasi kahit ako may issue rin sa sarili ko, gulong gulo ako. Napasok ako sa isang government agency at believe it or not, it’s the same agency  saan ang mama ko nagttrabaho pero hindi sa city, sa isang province naman but kapag may regional meetings, nagaabot ang mga tao sa municipality, city at province.

dito nagsimula ang lahat, i was so bitter din kahit noon pa man. hindi ko alam kung dahan-dahan ba akong nakamove-on sa pinagdaanan ko kasi looking back, i was really angry until slowly huminahon ako... 


Si mommy noon pa man gusto niya akong mag-aral na ng social work, pero hindi ako handa sa mga panahong yon, hindi ko pa alam ano ang para sa akin at gulong gulo pa rin ako. Araw-araw, lagi niya sinasabi “alam ko  nasa isip mo, hinding hindi mo magawa ang gusto mo kapag hindi ka mag-aral ng social work” tahimik ako palagi kapag ang mama ko na nagsasalita. The painful there was before she died, siguro months, she said “be a social worker para isang araw, you will tell those people right in front of their face na anak ako ni… and what now?!” lagi na niya yon sinasabi even before then pero that year, months before she died I already decided na mag-aaral na ako ng social work, magsstart na ako ng summer.  

It was really painful when the last memory na lagi kong maalala is yong sinabi niyang balikan ko yong mga taong umapi sa kanya, sa amin. Paulit ulit nasa utak ko yan hanggang ngayon.

Gusto ng mama ko na Makita ako ng mga taong umapi sa amin na may natira pa rin sa pamilya namin, na ako daw ang tatayo para sa kanya, ako ang tatapos sa laban na binitiwan niya minsan. Sobrang bigat yan at pilit ko mang burahin sa utak ko, napapaniginipan ko ang mama ko, alam ko hindi pa siya tahimik until I will get that license. (may board exam kasi ang social work)

Kaya habang nag-aaral ako ngayon, lagi kong dinidream at hinihingi na sana mag-top ako sa board exam (ambisyosa ako ano pero kailangan kong gawin to) kasi ito lang ang alam kong pwedi masabi ng lahat na ang anak ni… sumunod din sa yapak ng mama niya. May legacy na naiwan ang mama ko dito at yan ang pressure sakin ngayon. Todo kayod ako sa pag-aaral na hindi ko naman ginagawa noon, ayoko nga magbasa ng libro noon, maganda pa ang books noon kasi hard bound, may pictures, glossy pa pero  ngayon kahit photocopy lang kasi wala kaming libro sa social work talaga, pinagttyagaan kong basahin para isang araw pagdating ng board exam, maabot ko ang gusto ko at mabandera ang mukha ko sa harap ng opisina nong mga taong pesteh! (oo, paglabas kasi nila sa opisina eh paaralan ko na, kapag may pumasa sa course namin, ang laki ng tarp nakalagay kasi kami lang din ang nag-offer ng social work dito sa city namin.)

At ang masakit pa, isa sa mga anak nong taong umapi sa amin, eh classmate ko. Araw-araw lagi ko naalala yong iyak ng mama ko, hirap at lahat. hindi ko man masabi sa kanya ng diretso kasi bangayan ng magulang yon eh wala siyang alam pero ang pinapakain ng magulang niya sa kanya ay yong pera nakaw sa gobyerno. Kaya slight nalang ang ginagawa ko, kapag nagrereport siya, bonggang bombah na questions ang tinitira ko yong the whole period hindi siya makaupo lol

Ang buhay ay iikot talaga parang earth nga lang kasi isipin niyo kapag makuha ko yong license, isang araw malaking chance na magkakaharap kami dahil parehas na kami ng profession. Siguro sa panahong yan, matatahimik na rin ang mama ko, kasi hanggang ngayon alam ko, hindi pa niya natapos ang mission niya dito sa mundo. In fact when she died, nagparamdam siya sa close friend nya, nagusap sila sa panaginip, umiiyak ang mama ko, ang sabi niya ayoko pang mamatay kasi may gagawin pa ako pero ang katawan ko bumigay na. it crashed me kasi alam ko ano pa ang kulang at hanggang ngayon dala-dala ko yan, tawa lang ako ng tawa sa araw-araw sa mga comment na nakikita niyo pero deep inside me, ito ang reality ko sa buhay ko.



Itutuloy…





Reality 2: Ito ang daan mo... dito ka dumaan part 2.


­­Hindi pa tapos ang kwento nong “ito ang daan mo, dito kadumaan” akala ng lahat happy ending dahil pumasa ang kapatid ko sa licensure exam, that was 3 years ago I think and madami ang nagbago pagkatapo doon. There are a lot of things in life na hindi talaga natin maintindihan or we just don’t want to understand it, you think?

Gaya ng sabi ko, after months pumasa ang kapatid ko, my mom was hospitalized, na-icu and she died after almost 7 days UNEXPECTEDLY. Oo, unexpected yon dahil sa unang pagkakataon na nagstay kami sa hospital dati for almost a month dahil that time nararamdaman kong nagpapaalam ang mama ko sa amin pero yong year 2011, biglaan at nag-expect kami na maayos dahil nasa best hospital siya namin nilagay. Pero bigo kami. Ito ang kwento…

Si sisteraka alam ng madla na ang faith niya beyond sa isang normal na tao na madasalin, lahat ng galaw niya sa buhay ay hinihingi niya kay lord, decision man or may gusto siya. When my mom died, she asked a lot of questions, I wondered bakit nasa bahay lang siya lagi even Sundays. Araw-araw umiiyak. Affected ako pero pinilit kong hindi ipakita dahil kailangan ko maging strong para sa pamilya ko, galit  na galit siya sa akin dahil wala daw akong puso, pusong bato nga ang sinasabi niya sa mga relatives naming dahil para daw wala akong pakiramdam, hindi niya alam na affected ako pero hindi ko lang pinapakita para hindi siya lalong manghina, ako ang kamukha ng nanay ko, ako talaga ang replica ng nanay ko, sa galaw, salita, pananamit, pananaw sa buhay and lahat ng tao inisip hindi ako affected? Hindi lang ako showy those times.

After God answered my sister’s prayer na pumasa sa board exam, biglang tinapon niya ang pangarap na iyon na naging nurse siya, ayaw na niya kasi dahil daw sa trauma niya. Naintindihan naming siya kasi mahirap nga iyon, matagal na panahon na binalewala niya si god, nawala na ang faith niya, nagagalit siya sa diyos lagi niyang sinasabi na kapag may saya laging may kapalit, kapag pinagsabay ang diyos at hiling mo daw sa buhay, laging may mangyayari daw. Lagi pa niya akong pagbintangan na I don’t go to church, I don’t even know how to pray daw at malayo ako sa diyos, sa galit ko na talaga sabi ko sa kanya “ako? Oh! Where’s your faith now? after namatay si mommy, nakalimutan mo na ang lahat pero ako despite of not seeing me in church or even praying, I keep my faith, now tell me, saan pagiging faithful mo!?” lahat ng depensang rason binibigay niya pero ulit-ulit ko pa ring sinasabi sa kanya nasaan ang faith mo.

3 years since she passed her licensure exam including na ang mga panahon she spent with my mom at home, until my mom died she never goes to work, ayaw niyang mag-apply. Ayaw na talaga niyang magnurse. Hindi naman siya pinilit ng tatay ko dahil naintindihan din naman siya. After months na namatay ang mama ko, she tried na mag-apply pero hindi sa pagiging nurse, ibang field and in fact gusto na niyang mag-aral din ng social work kung saan ako na-enrol months after the death ng mommy ko. Gulong gulo pa rin si sisteraka kung ano-ano na ang naiisip. Kung ano ang maisipan yon ang ginagawa.

Siguro sa sobrang bored niya year 2012, mga September siguro she finally decided na mag-nurse siya, bumalik sa dating routine na nagsisimba, naniniwala kay God, and there boom! Ang daming doors na nag-open sa kanya.  At first sabi niya, baka ito nga talaga ang calling niya. Sabi ko, give a try, malay mo, you prayed for this na maging nurse ka and hindi mo iseserve so better serve your profession. Biglang timing nag-apply at natanggap sa isang gov’t hospital kung saan ang hirap pumasok doon.

Kwento ni sisteraka sa isang kaibigan niya “bakit ang hirap ng pinagdaanan ko, bakit ako pa!” sabi nong kaibigan niya “alam mo sobrang guided ka sa buhay mo!” tumahimik daw si sisteraka and sinabi sa sarili niya na “oo nga sobrang guided ako mula pa lang sa board exam dahil lahat ng binasa ko yon ang lumabas tapos ito sa exam para sa trabaho, lahat ng ni-review ko, yon ang lumabas!” kinuwento ni sister sa akin ang kanyang realization and ang sabi ko lang sa kanya “bakit kasi you need to take another road when the right road is already given to you”

And ang usapang yan napunta nga sa…

Siguro if hindi ako lumiko, hindi ko ma-appreciate ang isang trabaho bilang nurse, hindi ko mavalue ang profession dahil unang una, hindi ko naman gusto maging nurse pero baka ito nga ang calling ko dahil god knows I am sensitive and taking care of the patients with extra care will help ease the family na maging okay din ang kanilang pasyente because I know what it feels like to be nong nahospital si mommy.  It took me years before ma-realize siguro kasi para malaman ko paano ko e-value ang work ko na meron ako ngayon. Those times also, ang recovery period ko para kaya ko ng tingnan ang isang tao nan aka-intubate or nasa icu.

Wala akong masabi but, at least now you know… kasi kahit ako may issue din sa sarili na minsan din akong lumiko sa buhay ko at pilit ko rin itong inaayos ngayon. Ikwento ko nalang yan separately. Haba na rin ito. Lol

Ngayon masaya si sisteraka, kapag may patient siya na napapasaya  niya pati yong pamilya, nagtetext at sinasabi niya ang nagawa niya dahil nasa dugo na talaga namin ang pagiging social worker siguro, instinct na kasi sa kanya ang extra care, interview, interaction sa mga patient na hindi naman madalas ganon ang mga nurses, ang sabi ko lang lagi, para ka dyan talaga, wag ka ng lumiko pa! lol then I never failed to tell her also na, every time may patient ka, don’t forget to pray para sa kanya, yong hindi siya masaktan at mahirapan kasi alam natin yan na pinagdaanan din minsan ni mommy yan. at ang sabi niya, oo nga i know what it feels like. one thing true in our life, yong reality talaga is, naiintindihan mo ang ibang tao kapag parehas kayo ng daan na tinahak sa buhay. if your calling is to be an engineer, you will really reign on that field, or nurse, doctor kaya lawyer, kahit anong profession pa yan kapag para sayo yan, para talaga sayo yan, walang liko walang tambling! 

Itutuloy ulit… pangatlong kabanata..



Thursday, January 03, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo… dito ka dumaan

Had a meeting today with my colleagues and it made me realize that finally, this is the road I want to take in my life, to be a registered social worker, consul, diplomat or an ambassador lol (abot langit ang ambition ko! Haha). I have been searching for answers to many questions for quite a long time, I’ve been through a lot of trials, I have been confused, bothered, even depressed once and I stood up. Though I know I wouldn’t make it without the guidance of my mother, she is not with us anymore but I could still feel her presence even in small things. Ito ang reality ng buhay namin minsan... unahin ko muna sa kapatid ko…

I just remembered something… ito na nga iyon.

My sister just got a new job and the same Ito ang kwento bago ang lahat…

Unang take ng kapatid ko sa board exam… she didn’t make it, lumbas yong result, nasa hospital pa yong mama ko and siyempre hindi nagsabi si kapatid dahil nahiya, nalaman ko sa kaopisina ko lang and I told my sister about it, and sabi niya “grabi si lord, bumagsak ako, nasa hospital si mommy” my mom told her “okay lang yan, pwedi pang umulit” but my sister sobrang na-depressed, ayaw na magtake, hirap din kami sa pera that time dahil naubos sa hospital, madaming utang, lahat na, parang pasan namin ang mundo.

When she decided to take a review again… ito ang kwento.

Walang wala kami at that time, halos hindi ma-enrol ang kapatid ko sa review na yon pero biglang may dumating at nakapag-enrol siya ng last minute. i have seen her commitment and dedication sa pag-aaral, sobrang determined.

Before taking the exam…

(ang kwentong ito ay saka lang niya sinabi lahat ng lumabas na ang resulta dahil ayaw daw niyang mag-assume sa ano man ang nakikita, nararamdaman niya sa mga panahong iyon)

My sister is prayerful, ako hindi lol (ganyan! Haha) she prayed to st. therese, may novena pa siya at kung ano-ano pa. before taking the exam, while going to the exam center, she saw petals of roses na siya mismo hindi rin daw niya alam saan galing. And she said, “if it’s you st. therese pls give me a sign” along the way na nasa jeep siya, may sumakay na pasahero may dalang mga red roses. Convinced na daw siya doon…

Pero… sa exam center na mismo…

She said silently (sa lola at lolo kong namatay na rin, malakas ang paniniwala ni sister sa mga kaluluwa lol) habang nagsisimula na siyang sumagot sa mga tanong  “nay and tay, pls show me a sign na binabantayan niyo ako” at bigla daw may mga group of ibons na umikot ikot malapit sa window niya at nagform ng circle at humangin then nawala.

After the exam… bumalik siya sa doon sa church na minsan niyang pinuntahan kung saan siya humingi ng gabay to pass her licensure exam, sa church na iyon may mga parang monks ba tawag doon, hindi ako sure pero basta may power2x ata yong mga yon sa pagkaintindi ko lol (hindi daw sila priest eh) yong monk na iyon, biglang may kinuhang papel sa isang box at he said “whoever owns this, will surely pass the exam” and he added na “madaming pumupunta dito to ask for help para pumasa ng exam pero wala ng bumabalik except the owner of this paper” ang sabi ni sister silently while the monk was holding her paper, “my god, akin ang papel na yan but ayoko mag-assume muna I will just wait for the result!”

On the second hand… may iba naman siyang pinuntahan (sabi ko sa inyo si kapatid kung makapagdasal to the highest ninth power talaga)

May pinuntahang tao si kapatid, yong may ESP naman, si st. Michael naman iyon. Sabi nong taong yon dahil close na close sila ng mama ko. Sabi ni sister “sana I can pass this time kasi walang wala na kami, halos nawala na sa amin lahat” sabi nong tao na close ng nanay ko “don’t worry, I promise you, I will give your mom a gift on her birthday! And yes, you will pass the exam!” so si kapatid, she left daw na magaan ang pakiramdam pero sabi niya sa amin hindi lang daw yon ang basehan dahil kailangan rin daw niya mag-aral. So tapos na ang kwento diyan.

Maniwala kayo or hindi yong expected result ng board exam eh hindi doon lumabas ang result instead lumabas siya sa ibang araw, sa kaarawan pa ng mama ko. I remember that day, when I scanned it dahil nagkagulo na ang lahat sa fb that time, I searched it, at nakita ko nga ang pangalan ng kapatid ko, I shouted like crazy because birthday din kasi ng mama ko yon, that was really the best gift na binigay sa kanya, totoo nga sabi nong close friend niyang may esp dahil may gift nga siya.

The other hand, gift pala iyon dahil yon na pala ang huling birthday ng mama ko, huling pagkakataon na masabi niyang, hindi pala niya pasan ang mundo, mom had the last pictures sa  mga kapatid niya at that was really the last. Mom prayed for it na sana daw hindi na siya tatanda pa dahil defensive si mommy ayaw kasi daw niyang one day nasa wheelchair na siya, ipapasyal sa mall, iba ang pananaw ng mama ko dahil social worker siya kaya alam niya saan mapupunta ang buhay niya, naiintindihan niya kung ano ang mangyayari kaya ako ngayon, the same path ang tatahakin ko, ito ang daan na binigay sa akin, ito na ang aking lalakbayin. Kaya siguro sabi ko, kapag inisip mo, ginusto mo and you prayed for it, it will happen because it really happened to my mom and sa akin ngayon, this is really now my reality and I have to live with it.

itutuloy next time... haba na! lol 

 

Wednesday, December 19, 2012

Sila ang kukulay ng ating pasko

Time management is always an issue to me this time. I worked, I go to school, I have other commitment also outside from school. My day is very productive as I may say it, just for today, taking a leave from work to take an exam and other commitment is not included in being “productive” hahaha I took leave because I have my 3 exams today, I went out with my papa and sissy for dinner, I ran to CdeO dv soria by 7pm because I have a commitment to attend the CdeO Street Tutorial Christmas Party.


Let’s take a review on what we did tonight…

Personally, I am happy to see innocent smiles, those smiles that cannot be bought. In kids’ heart, Christmas is giving of gifts. This is my first time to attend the Cdo Street Tutorial Christmas Party since our social work group only started last September I think. This is what I live in my life now, one hour of teaching the street kids every Wednesday only, 7 to 8 in the evening. Once a week, you gave a part of yourself to them and even a little I know I did something in the community and even I shared God’s love to these children.

This is also what I have been sharing to Mr. Archieviner since he shared in his post about that project piso na advocacy, (napakagandang plano ang ginawa nila para mamahagi ng tulong sa mga bata, lalo na sa white cross sa san juan) I opened up also, this Cdo Street Tutorial too, baka sakali one day maisipan ng mga bloggers na magpunta dito for a vacation, it would be a great opportunity na sa pagdalaw ng mga bloggers eh ito ang gagawin natin, ang magbigay ng kasayahan sa mga innocenteng bata sa kalsada.  Masarap ang tumulong, nakakagaan ito ng damdamin, at maramdaman mo rin na kahit yong soul mo, fulfilled din. Kaya I am inviting also bloggers who wanted to visit Cagayan de oro city na dumaan sa street tutorial para magbigay ng kanilang konting oras para magturo sa mga batang ito, pagkain lang kailangan nila, 500 pesos mapapakain mo na ang higit 20 na bata.

Masaya ang gabi namin, ramdam ko rin ang pagiging contento sa ano ang meron ako, at nagpapasalamat lalo sa mga bagay na naabot ko, nakita ko at natutunan ko, dahil I know this is also the way I can share my life sa iba.

Yong iba pang pictures ay nasa facebook ko, hindi ko ma-upload lahat dito dahil malamang mawawala na ang isang page ng blog ko for all the pictures. Hehehe anyway, basta all I know tonight, I want to do something more for these kids, I want to make a difference, kayo din, kaya niyo rin 'to, and I am also inviting you all guys, if may chance kayong pumunta dito sa cdeo, you can always contact me. I will find time and be available sa inyo.