Wow just i have thought that na kaya kong isabay ang mag-aral, magwork, magblog, diyos ko lord ang super hirap!! i've been so busy the last semester then dagdag pa ang summer classes na todo dugo na ang pwet ko kakaupo dahil as much as possible ayoko mag-absent. well i don't know how far i will go sa blogging career ko (megenun talagang kerer!! haha) nakakamiss na rin magblog, magkwento sa araw mo-masaya or galit at inis ka man at may ibang taong hindi mo kilala na nagbabasa sa blog mo at a simple comment from them will make you smile, that's a simple thing but it is kinda a big thing to you already. so much i wanted to update my blogsite, tell all the things happened in my life kaso hindi ko na na-aasikaso, nabebehind na ako sa ano ang latest sa blogsphere. ngayon, i could say na nakakapagpahinga ako kasi i have my weekend back, no hassle, no more worries to think of, no classes yet and nakabawi na rin ako ng tulog. ang aasikasuhin ko na talaga ngayon promise totoo na 'to ang pagpapayat na!! hahaha
Showing posts with label Activities. Show all posts
Showing posts with label Activities. Show all posts
Sunday, May 27, 2012
Sunday, January 22, 2012
epekto ng pizza parteh
kagigising ko lang at ituloy ko ang kwento sa red lepztek na yan sa pizza parteh. after round 1 sa kainan ito ang naging mukha sa pizza, kahit barako ang mga kasama at hebegat man hindi pa rin namin kinayang ubosin ang buong 30 inches na pizza. so ito ang mukha after round 1.
dahil busog na kami, si isang sekseng malusog na kasama namin yong best buddy ko since high school, she thought of magtrip kaming maglepztek na kay pulang pula at dahil in nature hindi ako naglelepztek ng ganito kapula nagmumukha akong barakang bakla!! punyetas diba!! hahaha oh well katuwa at ngayon pinagpepyestahan sa facebook ang mga pictures, so ito ang simula.

dahil allergy ako sa kung anong ek2x na nilalagay sa mukha ko ngayon hindi ako nakaligtas dahil apat lang kaming girlaloh at ito ang nagawa namin after. mga punyetas talagang nag effort kumuha ng documentation para lang may mapagusapan hahahaha itong dalawang yan gustong gusto pang maging pulang pula yong lips ko kaya pinagtutulongan ako ayaw akong tantanan!! tuwang tuwa naman ako on the other hand kasi puro nalang kami tawanan at kalandian!! ![]() |
| resulta sa walang magawa |
![]() |
| para akong tanga hahaha |
![]() |
| pinagpose ko nalang sila ng sila lang hahaha |
![]() |
| di ko alam bakit ako nafront page pa dito haha |
at hindi lang ako ang pinagtripan, ito ang mga kasama naming mga tunay na lalaki!! they have their own style para lumandi, makuha lang sa tingin!! mas malandi pa ang mga lalaki kung ikokompara sa amin!! mas may guts at may future pang maging bekey kung sakali!! hahaha ilaladlad ko na rin ang winner si mr. chudebels ang lalaking jonakis at jarako!! nakukuha niya sa tingin ang lahat, magandang jokla pag maisipan niyang lumihis ng landas!! hehehe
![]() |
| ito ang super panalo!! MR. Chudebels!! |
it's more fun to be in the philippines talaga!! we got it all right for our own reasons!! sa susunod na update ulit!!
try kumain ng ganito kalaki na pizza
Feeling ko isang buwan na akong nawala dito sa blogsphere
dahil naging busy busyhan ang lola niyo!! Namiss ko rin ang chumismaks sa mga
blog niyo kaya babawi ako bukas pagkagising ko. Sa ngayon ibabahagi ko muna ang
pizza parteh na sinabi ko sa nauna kong post.
![]() |
| bertdey keyk |
![]() |
| buo pa ang pizza haha |
![]() |
| malakas malusog matibay ang pinagsamahan namin all these years. |
ito ang ginawa naming birthday keyk!! lels!! it's more fun in the philippines talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mong inasahan!! itong katabi kong kasing malusog ko rin we've been friends since high school days pa lang, mga almost 15 years na rin yong friendship namin and i am happy kasi nahila ko siyang mag-aral din ng korsong hindi namin maintindihan!! hahaha kebs!! enjoy life eka nga!! ilang birthdays na rin kami nagsalo kasi january 1 siya and ako is january 6 naman. all those years since naging kaibigan kami we both know and we will never forget each other's birthday.
![]() |
| Amnesia mode!! walang diet muna haha |
madami pang kwento behind this pizza parteh. bukas ikukwento ko naman ang nangyari after namin kumain at naisipang maglipstick ng sobrang pula, kami at ang mga kasama naming pinagdududahan na naming mga bekey. more pictures to come.
Labels:
Activities,
CdeO,
CDO,
Events,
Friendship,
Happiness,
Journey,
Life,
Party,
School,
Social Work
Friday, January 20, 2012
kakayanin ang beer free this year
20 days to be exact na free beer ako!! Yeaaayy!! Alam ko na
ang nasa isip niyo na isa akong lasiggera!! Hahaha hindi no! what I mean is
once a week may leisure time kami after Saturday class kasi isipin naman 9am to
7pm ang clase ko straight! Kahit super stress na ako in a week, wala pa rin
pinagbago malusog na malusog pa rin ako! Hahaha I’m working 5 days a week at
may clase din ako sa social work ng 5:30 araw2x at whole day sa Saturday so I think
kailangan ko ring mag-unwind and I deserve to relax or else goodbye mundo nako!
LEL!
Ang pinagiisipan ko ng malalim ngayon ay ang pagpapayat
ko! Haha natatawa ako kasi all those years gustohin ko mang pumayat hindi
natutuloy dahil ang daming reasons sa mundo! Haha ngayon, ikarer ko na talaga
since sinabi ko sa panata ko na kailangan beer free na ako para walang carbo
masyado sa katawan at nagtitiis nalang ako ngayon sa pineapple juice! Letseh!! Hahaha
kay hirap magpasexy lalo na kapag sinasalubong ka rin ng mga parteh at kung
anong churvaluh na involve and pagkain at inuman. Basta ang alam ko totohanin
ko ng beer free this year nako!!!
Masaya ang inuman!! Mamimiss ko ang pagiging gaga ko na
pagnalasing, nawawala sa sarili, nagiging mother amazona, matapang at makapal
na ang mukha, surely im going to miss na mapapagusapan ka dahil gumawa ka ng
kalokohan dahil nalasing ka! Pag boypren mo naman ang kasama mo sa paglalasing,
ibang usapan na yan!! Hahaha cheh!!
Ngayon I am excited sa pizza party naming this weekend,
im sure patayan ng drinks ang show but no! no! no! na talaga ako sa inuman
muna!! Hahaha manonood nalang ako sa malasing at kukuha ng pictures sa sino
mang magmukhang mickey mouse!!
Para malaman ng lahat baka akala niyo eh super lasinggera
na ako at hardcore na sa inuman it’s NO!! epal2x lang ang ginagawa ko!! Hehehe ilang
rounds ng tagay lang nawawala na ako sa sarili ko, ang tinatago kong pagiging
malandi ko na hindi naman bagay sa akin!
LOL!! Hahahaha
Labels:
Activities,
Events,
Friendship,
Memories,
Party,
School,
Social Work
Wednesday, January 18, 2012
Kung kaya lang basahin ng tao ang lahat ng libro
I decided to change my new header. From emote2x churbabels
to something I can relate to. Books? Ngee! Honestly I don’t read books, yong
mga nobelang wala akong maintindihan, hindi ako love ng libro at hindi ko rin
love ang libro!! Fair enough!! Hahaha even if I don’t read books, I am
attracted to books, I do not know why, every time I search for a wallpaper for
my desktop I always look into books, modern or an old one.
If I am going to assess myself (naging psychiatrist na
ako ngayon! Haha) siguro books because there are a lot of stories behind my
personality, like I have been telling lately that I am not a talky type of
person noon, I seldom throw jokes or maybe I am not a humorous person pero a
lot of people didn’t know that my mind so wide grin! Lels!! OO! At hindi bagay
sa akin ang magjoke sa totoo lang!! hahaha kasi I always look so serious and
matured whenever I talked pero magkasubokan nalang tayo! Hahaha hinahamon ko na
sarili ko ngayon!! Hahaha
I chose that old books on the shelf kasi parang isang
magnet talaga ang picture na yan sakin, maybe because behind that book there’s
a lot of things to learn kagaya rin ng buhay ko, I have been into a lot of
trials sa buhay ko, feeling ko nga ngayon ko lang nakita ang sarili ko, ngayon
ko lang nabuksan ang libro ng buhay ko through this blog. Dumaan na nga ako sa
depression na ngayon ko lang din naintindihan through my social work class,
ichichika ko nalang sa inyo sa susunod kong entry what really happened sa
depression kong iyon!! Hahaha mga chismoso at chismosa na kayo niyan!! LELS!!
Sa next na entry ko na ang chismis!! Kahit malapit na ako
sa calendar kaya ko pa rin ang mambitin sa kahit anong pakiramdam pa man yan!!
hahaha
Tuesday, January 17, 2012
If you just want to know what's my secret
I just remembered when I started to face my life after the
death of my mother, I am trying to search my own soul, myself and I have been
so bothered with a lot of things, there’s a lot in my mind but I couldn’t find
a way to express it. I am known to a few close friend of mine that I am not a
talky type person, I seldom talk about my emotions and feelings, I am afraid of
giving comments because I don’t to hurt other people as much as possible.
I believed in the power of mind, kasi when I told myself
that I need to break the silence, I need to express what I feel, what’s inside
my heart and what I am thinking, it happened in just one click. Its TRUE that
if you want it, you will have it. In the case I had, it was a week that I am
emotionally unstable. After work and class I couldn’t help but cry or i always
feel that anger in my heart. Since hindi ko na kaya, I decided to consult a
social worker in our department to seek a professional help.
I talked to our program coordinator who is a social
worker licensed. I was crying and crying, I am not satisfied sa ano man ang
iniyak ko, she just let me cry everything, she gave me a room to let out all my
anger, hatred and my hidden feelings that moment. Parang isang doctor lang din
sya na binigyan ako ng resita, yong resita na hindi gamot but a resita na dapat
kong panoorin baka sakali daw magbago ang perspective ko sa buhay.
I downloaded what she told me, I tried to watch it but sa
simula pa lang nabored ako eh so I ignore it. Kebs lang ako!! In denial pa rin
ako in everything to what I feel, I am starting to understand what is really
going on sa sarili ko pero andon pa rin yong galit ko sa pagkawala ng mom ko
dahil she died na puro pasakit ng mundo ang binigay sa kanya, okay lang kasi
yong walang ibang taong involved pero dahil there are people caused her too
much pain, yon ang mahirap tanggapin.
One Sunday we had a personal encounter activity sa social
work class namin. We were given a chance to speak one by one our strength,
weaknesses and threat sa dreams at buhay namin. So I speak for myself. I thought
that’s the end. The following day I come to visit her for just a small talk,
kala ko she forgot kung ano2x ang mga pinagsasabi ko pero alam pa rin niya and
sobrang natinag ako to what she just told me that moment “tapos na yon!! Leave it
behind, tapos na ang sa mama mo, siya yon at ikaw ang ngayon, gawin mo ang para
sayo hindi para sa mama mo!!” yong halong may galit pa talaga. Wala akong
masabi, parang nahiya ako na hindi ko maexplain ang feeling ko that moment. At dahil
dun, yong resita na sabi ko na binigay niya, I tried to watch it, this time
pinagtyagaan ko, then i have learned kung ano talaga ang gusto niya mangyari sa
buhay ko and ito ako ngayon I can say I am better, I have moved on and accept
those things na noon parang ang hirap2x at ang feeling ko everyday was I am
always hurt. I also learned her secret in life through the resita she gave me it’s
“the secret.”
You might want to watch it, baka makatulong din sa inyo. Ngayon,
I am learning also to accept the law of attraction in our life. Life is a
little better now kahit lagi pa rin akong confused sa mga ilang bagay!! Punyeteks!!
hahaha
Labels:
Acceptance,
Activities,
Blogging,
Drama,
Dream,
Emotions,
Events,
Feelings,
Fulfillment,
Goals,
Inspiration,
Lesson Learned,
Life,
Personal,
Processing,
Realization,
Revelations,
Understanding
Friday, January 13, 2012
Friday the 13th confusion
Today is the first Friday the 13th of the year. People come to believe that pag Friday the 13th may masamang mangyayari. Sa awa ni lord ngayon araw nato wala naman, safe naman akong nakauwi ng bahay except for the fact siguro with my exam results ng prelim, parang isang malaking question mark yong nakuha kong score, super tricky yong questions at na-over analyze ko yong questions kaya naging mali tuloy. ECHOS noh?! I defended myself pa talaga eh simply lang naman yon talagang hindi umabot utak ko sa utak ng teacher ko!! Punyets!! Masyadong bright child lang talaga si MAM!! Or sadyang wala talagang laman utak ko while taking the exam!! yon!! No excuses!! Hahaha
I didn’t do anything after class kundi bili ng pagkain dito at doon. Kung ano2x lang maisipan kong bilhin, meron akong biniling popcorn na may peanut sa goldilocks, kumain ako ng halo2x sa chowking, sumegway pa akong bumili ng bread and sandwich spread para sa agahan ko bukas kasi 9 am to 7 pm yong klase ko kaya kailangan ko ng madaming malamon kundi ako ang lalamonin ng utak ko!! Hahaha
Parang kailangan ko ata munang matulog ng maaga ngayon kasi gigising pa ako ng maaga bukas para mag-aral!! (seryoso nato!! Haha) kailangan kong ikarir ang gusto kong future kaya sasagarin ko na!! pagkatapos ng klase malamang tambay ako sa mga blog niyo at makikigulo!! Hehehe gustohin ko mang mag-ikot ngayon kaso malamig ang panahon at masarap ng itulog. Nakakatakot din minsan ang lamig ng ulan kasi baka maulit na naman ang sendong. Spell the word TRAUMA!! At dahil sa sendong na yan, mas lalong madaming trabaho ngayon sa pag-aaral at sa buhay trabaho ko!!
At nawala na ako sa topic kong Friday the 13th hahaha kahit ako nagugulohan kung ano ba ang post kong to!! Hahaha lagi nalang akong confused sa lahat ng bagay ngayon!! Punyetiks!! hehehe
Itulog ko muna ang taba ko!! Bukas magbuburn ako ng fats ulit!!! Hahaha
Tuesday, January 10, 2012
The very first morning of SENDONG
7:00 am – I woke up and prepare myself to go to school for a party for the children of Cala-cala, macasandig (totally wash out area) and Singapore, balulang. My mind was already set that we will have a party that Saturday morning.
I wasn’t able to sleep well that night because walang kuryente.
Around 8:00 am – I am on my way to school, as I pass along the Capistrano st. I have seen people walking na puro putik, ang iba naman nakaupo sa corner ng daan, magkasama ang buong pamilya. A part of the street going down (isla delta) makikita mo yong putik na hanggang tuhod, so I said to myself that moment na normal lang yon since lagi ko naman naririnig na nagkakaron ng baha in the area.
Pagkadating ko sa school mga 8:30 na ata yon, nakiramdam ako at lahat ng tao wala kang Makita na nakasmile, lahat parang nagpapanic. So I went to our department at ayon doon ko nalaman na may masamang nangyari sa city.
Mga 1 am pala non – I received a text from a classmate ang sabi niya “grabeh yong baha sa bridge” dahil hindi ako comfortable that night kasi nga walang kuryente, I just ignore his text.
Busy lahat ng tao sa school, syempre yong party definitely wala na dahil nga na-wash out yong area, ang party sana naming that morning eh yong mga bata na nakatira sa cala-cala. Dahil nasa social work program ako (I am studying social work currently) nagging busy kami with the immediate needs of the victims.
Mga 10:00 in the morning na siguro yon when I and my friends/classmates decided to look for a food kasi wala pa kaming kain (nag-expect kasi kami sa party), lahat tindahan around the school premises WALANG RICE, even Jollibee at that time near our school SARADO. Ikot kami ng ikot, nagtanong kami sa mga tindahan bakit naubosan ng rice, sabi nila most of the people ONLY BUY RICE at that time. I felt the scarcity of food and water din that morning at lahat ng tindahan laging may nakapila, unusual yong ganon sa ordinary days lang.
Mafefeel mo talaga yong gutom ng mga tao, uhaw sa tubig at yong grief nila over to their loved ones na nawala at missing pa yong iba. Yong oras parang ang bilis-bilis at that time, lahat naghahanap saan na yong mga kapamilya nila, kamag-anak, sa piling daan may Makita kang patay na tinakpan lang ng kumot nag-aantay ng kamag-anak para kunin. It was the worst, sad morning I felt in my whole life.
![]() |
| i don't own this pic. i just got this from google. |
I don’t know how to react, how I can help the victims, how can I comfort them either. In the afternoon, ng magbukas na ang Jollibee, we hurried and charged our cellphones for communication. Kahit Jollibee naubusan din ng pagkain, basta ang natandaan ko lang na natira sa kanila that time is yong spaghetti at kahit water ubos na ren.
Late in the afternoon, almost mag-gabi na we went to west city central to delivered food for the victims (yong luto na talaga ready to eat na) and after sumama kami sa cosmopolitan funeral homes kasi yong kasama namin (isang madre) may dinalaw sa funeral home at doon nakita ko ang mga pamilya na naka-abang dahil nawawala yong kamag-anak nila at nagbabakasakali na Makita man lang nila yong bangkay.
It was a long day for me. Actually in between madami pa akong hindi naikwento, isusunod ko nalang. The whole night, hindi ako nakatulog. Sa totoo lang, I was really bothered kahit sino naman siguro. Wala man akong kamag-anak na nagging victim sa sendong pero as a citizen, I couldn’t imagine how they survived that catastrophe. Paulit-ulit nasa utak ko “what if sa akin or sa amin nangyari yon” ano kaya ang gagawin ko, mabubuhay pa kaya ako? (sad)
Labels:
Activities,
Cagayan de Oro City,
CdeO,
CDO,
Emotions,
Events,
Feelings,
Frustrations,
Life,
Revelations,
Sad,
Sendong,
Situations
Subscribe to:
Posts (Atom)

















