Showing posts with label CdeO. Show all posts
Showing posts with label CdeO. Show all posts

Monday, December 31, 2012

There's always a light within

Matutulog na sana ako but when I checked my fb account, may nakatag sa akin na picture from a friend and an advocator of the cdo street tutorial, he made an article and published in Cagayan times (metroSpect). May ganito na pala sa city, napaka insensitive ko ata before lels! Ngayon ko lang nalaman ang magazine na ito, nag-eexist pala. Haha sorry kasi ang nababasa ko madalas eh ibang mag at newspaper. Pero natuwa ako dahil yong Christmas party sa cdo street tutorial eh na-featured, yong picture na napost ko sa aking blog (sila ang kukulay ng ating pasko) yon ang ginamit para sa article. Yong nakapink na nakatayo ako nga yon! Lels! Walang duda, kasing taba ng puso ko ang katawan ko! Hahaha

I would to thanked and congratulate everyone! All of us, part tayo dito and the learning I got from this experience will surely go a long way from here. a part of me will always be to those kids who gave me a reason to smile and help me push my dream more.

here's the link for the article (MetroSpect-The CAGAYAN TIMES)

 

Wednesday, December 19, 2012

Sila ang kukulay ng ating pasko

Time management is always an issue to me this time. I worked, I go to school, I have other commitment also outside from school. My day is very productive as I may say it, just for today, taking a leave from work to take an exam and other commitment is not included in being “productive” hahaha I took leave because I have my 3 exams today, I went out with my papa and sissy for dinner, I ran to CdeO dv soria by 7pm because I have a commitment to attend the CdeO Street Tutorial Christmas Party.


Let’s take a review on what we did tonight…

Personally, I am happy to see innocent smiles, those smiles that cannot be bought. In kids’ heart, Christmas is giving of gifts. This is my first time to attend the Cdo Street Tutorial Christmas Party since our social work group only started last September I think. This is what I live in my life now, one hour of teaching the street kids every Wednesday only, 7 to 8 in the evening. Once a week, you gave a part of yourself to them and even a little I know I did something in the community and even I shared God’s love to these children.

This is also what I have been sharing to Mr. Archieviner since he shared in his post about that project piso na advocacy, (napakagandang plano ang ginawa nila para mamahagi ng tulong sa mga bata, lalo na sa white cross sa san juan) I opened up also, this Cdo Street Tutorial too, baka sakali one day maisipan ng mga bloggers na magpunta dito for a vacation, it would be a great opportunity na sa pagdalaw ng mga bloggers eh ito ang gagawin natin, ang magbigay ng kasayahan sa mga innocenteng bata sa kalsada.  Masarap ang tumulong, nakakagaan ito ng damdamin, at maramdaman mo rin na kahit yong soul mo, fulfilled din. Kaya I am inviting also bloggers who wanted to visit Cagayan de oro city na dumaan sa street tutorial para magbigay ng kanilang konting oras para magturo sa mga batang ito, pagkain lang kailangan nila, 500 pesos mapapakain mo na ang higit 20 na bata.

Masaya ang gabi namin, ramdam ko rin ang pagiging contento sa ano ang meron ako, at nagpapasalamat lalo sa mga bagay na naabot ko, nakita ko at natutunan ko, dahil I know this is also the way I can share my life sa iba.

Yong iba pang pictures ay nasa facebook ko, hindi ko ma-upload lahat dito dahil malamang mawawala na ang isang page ng blog ko for all the pictures. Hehehe anyway, basta all I know tonight, I want to do something more for these kids, I want to make a difference, kayo din, kaya niyo rin 'to, and I am also inviting you all guys, if may chance kayong pumunta dito sa cdeo, you can always contact me. I will find time and be available sa inyo. 













 

Sunday, January 22, 2012

epekto ng pizza parteh

kagigising ko lang at ituloy ko ang kwento sa red lepztek na yan sa pizza parteh. after round 1 sa kainan ito ang naging mukha sa pizza, kahit barako ang mga kasama at hebegat man hindi pa rin namin kinayang ubosin ang buong 30 inches na pizza. so ito ang mukha after round 1. 



dahil busog na kami, si isang sekseng malusog na kasama namin yong best buddy ko since high school, she thought of magtrip kaming maglepztek na kay pulang pula at dahil in nature hindi ako naglelepztek ng ganito kapula nagmumukha akong barakang bakla!! punyetas diba!! hahaha oh well katuwa at ngayon pinagpepyestahan sa facebook ang mga pictures, so ito ang simula.


dahil allergy ako sa kung anong ek2x na nilalagay sa mukha ko ngayon hindi ako nakaligtas dahil apat lang kaming girlaloh at ito ang nagawa namin after. mga punyetas talagang nag effort kumuha ng documentation para lang may mapagusapan hahahaha itong dalawang yan gustong gusto pang maging pulang pula yong lips ko kaya pinagtutulongan ako ayaw akong tantanan!! tuwang tuwa naman ako on the other hand kasi puro nalang kami tawanan at kalandian!!  


resulta sa walang magawa
para akong tanga hahaha 
pinagpose ko nalang sila
 ng sila lang hahaha
di ko alam bakit ako
nafront page pa dito haha
at hindi lang ako ang pinagtripan, ito ang mga kasama naming mga tunay na lalaki!! they have their own style para lumandi, makuha lang sa tingin!! mas malandi pa ang mga lalaki kung ikokompara sa amin!! mas may guts at may future pang maging bekey kung sakali!! hahaha ilaladlad ko na rin ang winner si mr. chudebels ang lalaking jonakis at jarako!! nakukuha niya sa tingin ang lahat, magandang jokla pag maisipan niyang lumihis ng landas!! hehehe 





ito ang super panalo!! MR. Chudebels!!



it's more fun to be in the philippines talaga!! we got it all right for our own reasons!! sa susunod na update ulit!! 

try kumain ng ganito kalaki na pizza



Feeling ko isang buwan na akong nawala dito sa blogsphere dahil naging busy busyhan ang lola niyo!! Namiss ko rin ang chumismaks sa mga blog niyo kaya babawi ako bukas pagkagising ko. Sa ngayon ibabahagi ko muna ang pizza parteh na sinabi ko sa nauna kong post.

bertdey keyk


buo pa ang pizza haha
Dahil it’s a pizza parteh, so here is the biggest pizza we had tonight!! Plus a free 12 inches pizza free that cost us 1,360 php only, mura na compared to other places. We ordered THE GODFATHER (30 inches big) from big flat pizza and enjoyed the videoke while eating. For now, may amnesia ako sa DIET!! Hahaha this is good for 12 to 15 person’s pero hindi pa rin naming naubos kasi almost 50 slices, kahit mga barako yang kasama ko hindi pa rin naming kinayang ubosin!! We decided to have a pizza party as me and my best friend birthday treat to our social work classmates. Kahit late na ang celebration, we had fun still!!

malakas malusog matibay
ang pinagsamahan namin
all these years. 
ito ang ginawa naming birthday keyk!! lels!! it's more fun in the philippines talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mong inasahan!! itong katabi kong kasing malusog ko rin we've been friends since high school days pa lang, mga almost 15 years na rin yong friendship namin and i am happy kasi nahila ko siyang mag-aral din ng korsong hindi namin maintindihan!! hahaha kebs!! enjoy life eka nga!! ilang birthdays na rin kami nagsalo kasi january 1 siya and ako is january 6 naman. all those years since naging kaibigan kami we both know and we will never forget each other's birthday.

Amnesia mode!! walang
diet muna haha
madami pang kwento behind this pizza parteh. bukas ikukwento ko naman ang nangyari after namin kumain at naisipang maglipstick ng sobrang pula, kami at ang mga kasama naming pinagdududahan na naming mga bekey. more pictures to come. 


Tuesday, January 10, 2012

The very first morning of SENDONG


7:00 am – I woke up and prepare myself to go to school for a party for the children of Cala-cala, macasandig (totally wash out area) and Singapore, balulang. My mind was already set that we will have a party that Saturday morning.

I wasn’t able to sleep well that night because walang kuryente.

Around 8:00 am – I am on my way to school, as I pass along the Capistrano st. I have seen people walking na puro putik, ang iba naman nakaupo sa corner ng daan, magkasama ang buong pamilya. A part of the street going down (isla delta) makikita mo yong putik na hanggang tuhod, so I said to myself that moment na normal lang yon since lagi ko naman naririnig na nagkakaron ng baha in the area.

Pagkadating ko sa school mga 8:30 na ata yon, nakiramdam ako at lahat ng tao wala kang Makita na nakasmile, lahat parang nagpapanic. So I went to our department at ayon doon ko nalaman na may masamang nangyari sa city.

Mga 1 am pala non – I received a text from a classmate ang sabi niya “grabeh yong baha sa bridge” dahil hindi ako comfortable that night kasi nga walang kuryente, I just ignore his text.

Busy lahat ng tao sa school, syempre yong party definitely wala na dahil nga na-wash out yong area, ang party sana naming that morning eh yong mga bata na nakatira sa cala-cala. Dahil nasa social work program ako (I am studying social work currently) nagging busy kami with the immediate needs of the victims.

Mga 10:00 in the morning na siguro yon when I and my friends/classmates decided to look for a food kasi wala pa kaming kain (nag-expect kasi kami sa party), lahat tindahan around the school premises WALANG RICE, even Jollibee at that time near our school SARADO. Ikot kami ng ikot, nagtanong kami sa mga tindahan bakit naubosan ng rice, sabi nila most of the people ONLY BUY RICE at that time. I felt the scarcity of food and water din that morning at lahat ng tindahan laging may nakapila, unusual yong ganon sa ordinary days lang.

Mafefeel mo talaga yong gutom ng mga tao, uhaw sa tubig at yong grief nila over to their loved ones na nawala at missing pa yong iba. Yong oras parang ang bilis-bilis at that time, lahat naghahanap saan na yong mga kapamilya nila, kamag-anak, sa piling daan may Makita kang patay na tinakpan lang ng kumot nag-aantay ng kamag-anak para kunin. It was the worst, sad morning I felt in my whole life.
i don't own this pic. i just got this from google.

I don’t know how to react, how I can help the victims, how can I comfort them either. In the afternoon, ng magbukas na ang Jollibee, we hurried and charged our cellphones for communication. Kahit Jollibee naubusan din ng pagkain, basta ang natandaan ko lang na natira sa kanila that time is yong spaghetti at kahit water ubos na ren.

Late in the afternoon, almost mag-gabi na we went to west city central to delivered food for the victims (yong luto na talaga ready to eat na) and after sumama kami sa cosmopolitan funeral homes kasi yong kasama namin (isang madre) may dinalaw sa funeral home at doon nakita ko ang mga pamilya na naka-abang dahil nawawala yong kamag-anak nila at nagbabakasakali na Makita man lang nila yong bangkay.

It was a long day for me. Actually in between madami pa akong hindi naikwento, isusunod ko nalang. The whole night, hindi ako nakatulog. Sa totoo lang, I was really bothered kahit sino naman siguro. Wala man akong kamag-anak na nagging victim sa sendong pero as a citizen, I couldn’t imagine how they survived that catastrophe. Paulit-ulit nasa utak ko “what if sa akin or sa amin nangyari yon” ano kaya ang gagawin ko, mabubuhay pa kaya ako? (sad)