Matagal-tagal na rin pala akong nabubuhay sa mundo natin. Lol
ay, hindi naman ako lola pa, nasa midlle age pa ako. Haha bukas magsimula na
ako ulit maglakbay sa panibagong chapter sa buhay ko. I still have no plans
para bukas, pero sure ako na magluluto ako ng molo ni rix, (binigyan niya ako
ng recipe, ako pala humingi haha, nainggit kasi ako na nagluto siya.) ako, si
erpats at sissy nalang ang natira kaya malamang will invite my tita and tito,
pinsan wag na ang kapitbahay muna, walang handa! Hahaha ilang oras nalang at
wala na, dagdag na naman sa edad ko ang 2013 na taon. Hehehe
Akala ko noon joke lang sinabi ng mommy ko na year of the
pig ako, akala ko talaga kasi dahil bilog ako, mataba kaya nagjojoke si mader. Lels!
Iba kasi magbiro yong nanay ko serious tingnan, strict pero nagtthrow na ng
sariling joke niya. So, tama, year of the pig ako! Ka-bday ko pa nga si shawie!
Tan-inay! Naalala ko pa noon nong first time kong pumunta ng manila, 6 yrs old
ata ako, wala pang dyalibi sa amin nga noon, kahit dunkin donut or mcdo,
probinsyang probinsya lang talaga. Kaya nong dumating kami sa manila,
pasyal-pasyal, ganyan, at nakita nila ang poster ni shawie na nagendorse pa
siya ng LUX na sabon noon, walang hiya, pinatayo talaga ako doon at pinicturan
kasi daw magkabday kami, ang tita (hindi namin relative) ko ang nagencourage sa
akin kasi artista din si shawie! Hahaha parang ako naman ang nahiya ngayon! Hahaha
at dahil wala ngang resto pa sa ciudad namin, lahat ng statwa nila dyalibi,
mcdo may picture din ako! Nakakaloka! Dahil bata kapa, wala kang choice but
sumunod! Heeeee!! Talaga!!!
Hindi ko rin alam
kung maniniwala ako sa mga sinasabi ng iba na kapag Capricorn eh they stick to
decision, talagang panindigan, selfless – laging iniisip ang ibang tao kaysa sa
sarili, career oriented – talaga lang? depende siguro yon, ayaw ng mediocre na
trabaho – oo naninwala ako dito dahil ganyan ako lol, may ambition at
commitment sa lahat ng ginagawa niya – ay soh true, achiever din daw – baka,
saka ko na sabihin kung achieve na achieve na ang aking mga goals. Hehehe kung
sasabihin ni sis arline na totoo ang mga ito dahil magkasunod lang kami ng
bday, maniniwala na ako! Hahaha nandamay pa ako.
May handa or wala, para sa akin, kulang pa rin dahil wala na
si mommy, this is my 2nd birthday na wala na si mader, gaya ng sabi
ko lagi, I have to live my life kung ano ang meron, dyan pa ang papa at kapatid
ko siguro ito muna, yan muna kasi ayoko na magreklamo sa mga bagay na wala
diyan dahil lahat ng nangyayari may dahilan. Hindi ko rin alam ano ang
naghihintay sa birthday ko bukas, wala akong expectations dahil ayoko
madisappoint. Wala na rin akong inisip sa love na dumating bukas kasi wala na
nga. Echos! Bitterbitteran ang beauty! Lol
ay, salamat pala kay cyron, unang bumati talaga sa akin sa FB ng happy birthday. hehehe excited? lol thanks gwapong cy!
