Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Wednesday, February 27, 2013

Special Connection between the two

It’s been ten years since the last time sinipag akong magblog lol

Hindi ko rin alam now kung sipag ba ito or sadyang kinarir ko lang ang pinagdadaanan ko

May utang pa ako kay zai, empi at steph, nasa file ko pa yong draft ng kwento ko sa kanila, nasa kalagitnaan na ako at biglang madaming sagaball sa blogging career ko kaya natambak ko ang draft nila zai, empi at steph. uunahin ko sana gawin  yon kaso ito na naman ang pakiramdam kong ayaw ko na talaga sana pero bakit ba! Naiinis na ako ha!! Super! Mga moment na hindi na dapat mag-appear, super bitter pa rin kasi appear ng appear hindi ko naman kailangan. (bigti mode)

Hindi ko rin naman masabi dahil sa super pagod ko lately sa event at nagkakaganito ang pakiramdam ko. Totoo nga ang sabi nila when ang dalawang tao may special connection kasi kung ano ang nararamdaman mo, yon din ang nararamdaman ng isa. Isang halimbawa na naisip ko ngayon yong nag-iisip ka na itext or tawagan mo yong taong mahal mo tapos siya rin the moment you think about her/him pala,  yon din nasa isip niya. That is a very special connection kasi feelings niyo na ang nagsasabi gawin ang mga bagay2x (wag grin yang utak mo, nakikita ko lol) na sabay.

Yan ang pakiramdam ko ngayon, ang bigat, mas mabigat pa sa kuyukot na dinadala ko at pinipilit pa itong palakihin na parang napaka-imposeble naman yata pero I will still try. You know. =)

Hindi na muna ako magjoke kasi seryos kasi tong post ko na ‘ito. Rots.

Nahihirapan ako? Siguro kasi ayoko tanggapin yong closure. What I mean is OO there is a closure pero ang iniwan ko yong mga magagandang alaala dahil I want to live there, I want to live it that way kasi kahit anong galit naman gawin ko, wala eh, wala naman, feeling ko in the end of it, nasa akin pa rin ang mali, ang kulang but God knows how I tried to save it pero wala na talaga. There are things we need to accept na kung hindi daw talaga para sa atin, wag na natin itong ipilit.

Sa mga pagkakataong ito, gusto kong lumayo. Malayo sa maiingay na ciudad, at manatili muna sa may bundok, yong pagkagising ko puro kahoy lang ang nakikita ko, may dagat at may mga ibon na nagiingay sa paligid.

Wala namang tao or situation na nagpush sa akin na maramdaman tong bigat sa dibdib ko, ito na talaga ang sinasabi kong special connection between us kahit malayo na siya, wala na siya pero dahil may pinagsamahan kayo, meron pa ring natitira kaya alam kong sa oras na ito abot tenga ang ngiti niya, natagpuan na niya ang happiness na hinahanap niya, may kayakap na siya hindi lang sa isang araw or dalawa pero pwedi na ring habang buhay na. I remember that pain, tagos sa laman, sobra!

Napagod ako, parang gusto ko lang matulog ngayon, pinipilit wag umiyak diba kasi wala naman rason, ok naman ako ayoko lang sa naramdaman ko ngayon kasi sobrang bigat. Ito at ito lang yong pakiramdam ng malaman kong ang pagiwan mo sa panahong yon ay natuto ka ng hindi na bumalik.

Sana pwedi kagad sumakay ng eroplano para lumayo at mag-isip ulit. Gusto kong pumara ng airplane at magpunta ng hongkong Disneyland para isiping bata ulit, walang problema, innocente ang pagiisip at hindi nagiisip pa sa kinabukasan.

I’m just really sad.

Bear with me my blog. =)

Wanna escape for a while. 


Tuesday, January 29, 2013

Reality 10: That love of mine once...

I hate that feeling, really.

I can’t stop thinking of you, deym!!! Hearing back the song once again, it melted me. i just don’t know if sinasadya ng panahon na marinig ko yong kantang yon! Hammmp! Kaya ayoko sumakay ng taxi as much as possible dahil malamig ang mga kanta, walang rock bakit bah! Naman! Kapag sa jeep naman ako, all I have is my dreams, all I could think of is the life I want after I pass the board exam. Mga pangarap na minsan alam kong impossible pero gusto kong abotin at nakakalimutan kita sa pagkakataong yan.

Not to deny it, everyday kahit a second, oo I still thought of you. I am different with my feelings sa’yo dahil siguro naging ako nong tayo, I am not the person na ako ngayon yong madaming gusto sa buhay, madaming pangarap dahil when I was with you, simply lang ang lahat. Alam  ng diyos how I tried to forget you, not to love you anymore, not to miss you even more. So many times now I wanted to see you back again to know hanggang saan ba kaya ng puso ko tumayo na mag-isa pero hindi ko kaya. I am okay na ganito, wala akong narinig, wala akong alam, parang ok na ako na ang alam ko puro magandang alaala ang natira sakin. I tried not to cry this thing out again pero my geeedd!! I can’t help it, my heart is going to explode.

Confused na naman ako dahil alam kong pinandigan ko ang decision ko, pero malapit na rin mag-isang taon at ganito pa rin ang nararamdaman ko, OO handa na akong magmahal ulit, magcommit, magpakatanga once again lol pero paano nga ba kung may natitirang ganitong feeling pa? puchek! I had the best years with you and I am afraid hindi kayanin ng darating na malagpasan ang ano man ang meron between us. laging sinasabi ng lahat na mas higit pa ang darating sa nawala sayo. Ang nasa utak ko “talaga? Paano nga ba?”

I hate the feeling when I remember you, when I miss you…

I am not hoping anymore, I am not thinking anymore of being together once again, I just maybe need to live my life the way it is now, I maybe live some of those memories but we can’t turn back everything. This is my now and I have to live with that.

hooo! maygeewwdd!! i wanted to cry out loud again!!!! =(

Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Tuesday, January 15, 2013

Reality 7: I'll be there one day.

I accepted the fact that you are not here with me anymore, you can’t rant over the things I badly made, and I truly missed it. you let me go, and I did too, this is because I don’t want you to suffer more, so you won’t be in pain anymore. You let me decide on my own now, you cut my wings, and you cut me all. I didn't know how to live after you left, after you decided to let go of the things you used to have here with me. I know that there are situations we can’t even control. I also know I have been stubborn all the time but I learned. It wasn't all easy moving on knowing that you are the greatest strength that I have all my life, what I am now it is all because of you.

I feel that pain every day, the more they say how good you were, it breaks me, I always remember how we have suffered, how we fought our lives together and I left all alone now standing, moving forward and hoping for a new tomorrow. Whatever battle I have now, I am doing this for you, I am bringing back what we've lost. I will be there one day. I silently want to be more than what they think I can.

I know you’re still here with me, you’re still guiding me and you want to give me the life I deserve. You are still the reason I lived up to my dreams and survived up with some expectations. It may never be the same again but I am trying to live on what has been left in me. I am still pushing this dream.


One day, I will fly for free as you always told me, “the more you travel, the more you get smarter.” Someday, I will wake up in a hurry to catch up some flight for work, wearing my best corporate attire, when I arrived at my destination, somebody will open my car, a car that has a Philippine flag in front, shaking hands to dignitaries, talking to my own secretary for schedules, I will be standing in front to many, making a difference to individual, promoting new programs and services to improve the lives of the people.  Travelling abroad as well to give honor to our OFW's, attend to certain needs and problems, I will be a motivator in my own circle, family, friends and relatives. I will speak for our country someday. From the law of attraction, these are possible if I keep on thinking about this, if I attract this to happen, this will happen and I will make this to happen. 5 years from now I will go back and read this again.

All these dreams have been made because of my late mother who is pushing me even I was still a kid that I can do more than what she did. I miss you mommy! And you will always be an inspiration in getting these dreams. I’ll be there one day! I promise. =)



Wednesday, January 02, 2013

Wag magbasa kasi.

It’s January 2 and yeah it’s still January 2, unang pasok sa trabaho sa taong 2013. Habang nagbabasa ako ng blog sa mga kaibigan, bang! Beng! Feeng! It reminds me of something that like I always said na dapat hindi na maremember at isipin! Hahaha kahit anong tawa ko promise, the pain is still inside me. Charos! Totoo. Walang biro, seryos na ako! Hihihi akalain mo, sometimes you see yourself sa ibang tao, there are emotions you cannot express dahil kailangan itago pero others helped you to take that out. So ito na nga! Kakayanin ko ito! Hehehe nadala ako sa aking emosyon! hahaha simpleng inggitera ang emosyon ko! 

Si Antonio ang dahilan at ang alindog ni jonDmur

Gaya ng sabi ko, matapang ako, I have a strong personality pero tambling din ako sa taong ito, lahat alam, lahat pwedi and walang keme, pati amoy ng utot alam! Pwedi akong sumigaw na hindi ako babarahin, aawayin siya at susuyoin ako, pweding saktan physically kapag gusto ko lol (wag berdeh isip haha) lahat may katapusan, even if I wanted it still, hindi na talaga pwedi. There are moments now I am tempted to check his status, kung ano na nangyari sa buhay niya pero natatakot ako, hindi ko alam anong takot ito, takot masaktan? Mainggit dahil he is happy? Or he finally found someone kung  saan mas nakita niyang mas happy siya doon? Wala, basta malalim na hininga lang ang kaya kong gawin kapag ito ay napapagusapan. Gusto kong tumawa ngayon pero naiiyak na ako! Charos!! Kailangan tulongan ang sarili! As in now na talaga!

sabi nga ni tonio sa kanyang entry, may 3 month rule moving period, ako heller! Kumusta naman! Anong oras at petsa na! sa stages of grieving nasa acceptance na ako pero takot pa rin akong malaman ano na ang nangyari sa kanya. hindi ko na ito babalakin pa siguro. roowtts!! ang iba’t ibang teknik naman sa sex life ang sabi ni jonDmur, at sinabit ko siya dito dahil lahat ng sinabi niya doon ay totoo at dahil doon, naaalala ko ang mga kalokohan namin kapag napagusapan ang mga illegal na bagay! Hahaha peteks! Kumusta naman ako ngayon! Hindi ako bitter, totoo yan pero I just simply missed him! Nakakamatay na ha! Hahaha

basta iibahin ko ang taong 2013, bagong perspective sa buhay at aabotin ang mga pangarap! Ganyan! Kahit sinasabi ng lahat na kung may nawala, may darating na mas higit pa sa kanya, asan na?! hahana I’m too busy sa buhay ko ngayon para isipin ang mga ganito, pero dahil hindi pa pasukan sa school, kaya ito emote ng emote! Haha cyber attack batok at tadyak kay Antonio at jonDmur!




Sunday, December 30, 2012

Tambling ang mataba na puso

Dahil sa bagong discovery ko na pagiging inggiterah sa mga post ng year end, kinarer ko na teh! I scanned my fb again and again kung ano ang nangyari sa buhay ko for 2012 and beng! Beng! Bang! May nakita akong dapat hindi na Makita and bigla akong nalungkot! (ang napapala sa pagiging inggeterah! Haha) momove on na ako teh! haha

People always dream to have a lasting relationship but this people have ever ask kayah ba nila? (anak ni pokwang! Parang lasing lang ako sa English! Eemo na kasunod nito! Haha) natanong ko na kasi yan minsan dahil yong personality ko ang problema, syadong strong at nakaka-intimidate ako sa marami lalo naman sa mga lalaki! (ganyan! Echos panakot!) kaya ko naman magtagal but ang tanong kaya ban g tao magtagal sa personality ko! (ober da bakod haha) I know kasi God won’t give you everything in this world. Malakas ang kutob ko successful ako sa career ko, sa pangarap ko, yong dream ko na magsasalita sa harap ng buong tao, hindi lang isang bansa nasa likod ko pero marami (to clear, hindi yan politician! Haha) makapagtravel ng libre sa buong mundo pero failed ako sa relationship! Hahaha tan-enah! Yon pa naman ang pinakamasaya! Charos! 

dalawang tao lang ang alam kong kinaya niyang patamblingin ang ugali ko at hindi na nagwork din for some reasons na madali lang maintindihan ng iba. (ganyan! Char haha) oo, simply ang reason pero mahirap tanggapin. Nahihirapan ako those moment sa life ko but dahil na rin sa pagiging busy ko, nakakalimutan ko na pero may mga pagkakataon pa rin that reminds me of him pero echos lang yon! Haha honestly, meron talaga pero its not like before na hindi talaga ako nakakatulog (may ganyang arteh!), nasobrahan lang ako sa kapeh siguro sa mga panahong iyon!

People say na ang babae ang hinahanap nila ay yong tulad ng tatay nila, ang lalaki tulad ng nanay nila. Impossible isipin pero totoo yon, ang nag-aatract sa babae at lalaki ay mga qualities na nakikita nila sa magulang nila dahil ito ang kinalakihan nila. Charing! Para sa akin it happened, sa kapatid ko ganon din. May pressure slight kapag ang nakikita mong magulang ay buong nagmamahalan, no lies and even my mom died already, ayaw ng mag-asawa ni pader! (good kasi pasok sa banga ang babaeng yon! Uunahan pa kami ng kapatid ko! Haha)

Sa 2013, ayoko ng maghope, but nakakahawa minsan sila sis arline at ang mga pugi na si jon, archie, rix, tonio, cyron, bagotilyo, empi, pao, at bino na hopeful talaga sila sa 2013. Parang ngayon ko lang narealize na come what may nalang ako! Hahaha madami pang mangyayari sa buhay ko basta hindi pa end of the world, baka sa susunod hindi lang tambling ang kaya gawin ng taong darating baka pwedi na rin siyang umakyat sa coconut tree para kumuha ng buko at coconut para sa aking buhok pang hot oil. Haha

Iba ang nagagawa kapag may sakit kung ano-ano ang naiisip. Lels!



Monday, December 17, 2012

Napaisip ka rin ba nito?

I was reading the breaking news about the Connecticut shooting and it squeezed my heart. I am trying to hold up my tears while hearing the stories of the victims’ family. Innocent kids I remembered to be described by my late mother as “angels” for they were the ones, who light up the room, gave joy and happiness to parents. The world I believed is already in extreme confusion.

The news said that the gunman was troubled, he has a personality disorder and I know the mom did not denied it, in fact the mother was willing to help her child if needed. Kahit mahirap ang pilipinas, mayaman naman tayo sa values, pagmamahal ng pamilya. Pero minsan, hindi ko rin nakikita yan dahil madami pa ring mga bata nasa daan, napabayaan. Sa America, instant na ang lahat, completo pa, at advance sa mga technolohiya.

I believed in family is the basic unit in the society, it is the basic sa lahat ng bagay, ang pamilya din ang isa sa factor na bumuo ng pagkatao natin, kung ano ang values ng mga magulang natin ito ay nakukuha natin. Malamang, maraming tao sa mundo ngayon, hindi nakikita ang bagay na yan, but, I can say this kapag buo ang pamilya, maayos, wala ng masyadong social problems – wala ng prostitution, nakaw, street kids etc. kung sama-sama ang pamilya, magtutulongan walang imposible na maging maayos din ang anak nila.

Bakit ang isang doctor na tatay, may doctor na anak. Isang lawyer na tatay or nanay, may lawyer din na anak? Dahil ang anak ay laging tinitingala ang kanilang magulang. Isa na rin ako doon, ang mama ko ay isang social worker, at ako ngayon ay inaabot ang profession na yan. Madami akong tanong noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot ang iba! Hahaha tan-enah! Unending question na talaga!

Sa America, kapag ang anak is in troubled, the state would see and blame it sa mga magulang kagad, sensitive sila na nasa magulang ang problema, kaya madalas ang mga ganyang case, napupunta sa counselling center para ma-iayos ang kailangan ayosin bago magkaron ng another problem. Dito sa pilipinas, walang ganyan. Kapag problematic ang anak, pinapagalitan! Ang anak pa ang sinisisi minsan dahil sadyang gagu or ugali na talaga! Hahaha that reality naman oo! Pero hindi sensitive ang mga magulang na ganyan ang kanilang anak dahil na rin sa kanila, kung ano ang nakikita ng anak while he is growing up, yan din ang gagawin kahit ang iba sasabihin na hindi ako tutulad sa mga magulang ko pero subconsciously speaking, nangyayari. One example I can share is yong tatay na nanapak ng anak at babae, pustahan tayo, nong bata pa yang tatay na yan, nakikita niya na ang nanay at tatay niya ay nagsasapakan kaya he used to it, he thinks that tama and okay lang. kaya like I have said, the world now is in extreme confusion and values is fading.



Wednesday, November 07, 2012

Head inside the plastic bag

Those people who knows me personally,  I know they won’t believe me if I’ll tell that i have cried over the things that is not supposed to be. I just find it funny now after what happened that night. Kahit ako I won’t believe na I can do that because it doesn’t show sa personality ko, everybody knows I am strong enough to handle everything that comes my way, pero this time I need to express what I really feel, i need to cry this para gagaan ang pakiramdam dahil super over sakal na ako and may butas na yong puso!! Bohahaha

So ito na nga…

Barkada ko.. siyam kami..

It happened na nagkaron kami ng time to gather lahat and I was teasing red kung saan na ang promise niya na “fundador” as I have requested before he went home a week before that night. Dahil wala daw siyang enough money at mahal ang fundador we end up sa “gilbeys” I don’t drink gilbeys sa totoo lang pero dahil matapang ako that night, sumugal ako plus the boy bawang pulutan!! Hahaha

I was on the hot seat, kebs lang! ayoko magsalita at first about my feelings. Usap ng usap lang hanggang nagkaron ako ng courage to drink more sa tan-ena na gilbeys na yon!! Hahaha toma! Toma! Ng toma lang! hanggang I can’t hold firmly with the glass, so that means lasing na “ata” ako that moment, dinagdagan ng red horse! nilasing nila ako ng pabiro!! Bohahaha  Pakss!! Wala na akong pakialam! Inom ng inom pa rin!! They talked and I was really crying to the max, that no one would expect I cried that hard. I was really drunk I think! Hahaha I went to sleep dahil hindi na kinaya!

Before ako natulog hindi ako sure if sumuka ba ako hahaha kebs na kaibigan ko sila and they don’t have a choice but to take care of me!! Hahahaha nakatulog ako! Ginising nila ako around 2, umupo, bumalik sa table at hilong hilo ako, sumuka ulit ako! Hahaha natulog na naman! Ginising ulit ng 4 am, medyo nahimasmasan ng slight, and again sumuka ulit ako at mind you nakapasok daw ang ulo ko sa isang plastic saan doon din yong unang nailabas kong suka!! Hahaha sobrang gross!! Yucky!! Now ko lang narealize! hahaha

After sa sukang yon, we decided to go home around 4 am. Nakatulog na ako sa bahay, nakapagpahinga, medyo gumaan na ang feeling ko.

The next day, sabi ni dona (sa bahay nila kami nag-inoman) pinuntahan daw sila ng tanod nagtanong kung ok lang ba daw at sino daw yong umiyak na parang baka!! Boohahahahahaha tawa ako ng tawa, I am not sure if she is telling me the truth or nagjojoke lang. seeing back my friends, doon na ang madaming “kanchaw” (tease) I was a crying lady, sumuka at amoy boy bawang, mga kapitbahay daw asking sino ang umiyak ang lakas daw! And slowly naramdaman ko na ang hiya!! Hahaha

Nakakahiya pero nakakatawa, and I told myself, that will be the first and last!! Hahaha


Tuesday, November 06, 2012

Isang huling iyak daw

After I posted my last entry, I tried to open my winamp and boom! Boom! Suddenly it’s a love song! Bohahaha one last cry ang drama ni winamp! Tan-ena! i forgot to change my playlist earlier while Im in the office. The music is trying to change my mood after being “a little angry” mood kanina. Probably this will lead to drama! Walang funny sa one last cry! Hahaha I did that, I really did that but there’s still pain inside my heart that I couldn’t explain it, I can’t even express it. I am not lonely, I am not sad, maybe I am just hurt and I accepted that feeling.

I told you, maging madamdamin na ang post nato dahil sa lintik na one last cry na yan! Bohahaha I wanted to laugh about it pero seriously if only alam niya how much I am missing the old days, the old us, killing me softly ang dating ng feeling na yan! (saksakin ang puso!!) hindi ko rin pweding tapatan ng kanta ni dingdong avanzado ba? The “why can’t it be”  because hindi nga talaga pwedi! Tatanga tanga ako kapag go ng go go ako! This emotion is just temporary, I will go through this, I still have a life and a dream to reach. Kaya ko ‘to! Hahaha kebs na!!

Medyo matagal din na hindi ako nakinig sa playlist nato, tambak! Tinago at  nilibing! Hinukay ko para malaman saan na ba ang puso ko!! Charus!! Hahaha pero ang totoo I still feel the pain! Heeeww! I am trying, I keep on telling myself na kaya ko to! I did this before, I can still do this now! maybe one day, I will lose my feelings but I always remember how great it was. Hanggang doon nalang!! Tapos ang usapan! Lels!!