Dahil sa bagong discovery ko na pagiging inggiterah sa mga
post ng year end, kinarer ko na teh! I scanned my fb again and again kung ano
ang nangyari sa buhay ko for 2012 and beng! Beng! Bang! May nakita akong dapat
hindi na Makita and bigla akong nalungkot! (ang napapala sa pagiging inggeterah!
Haha) momove on na ako teh! haha
People always dream to have a lasting relationship but this
people have ever ask kayah ba nila? (anak ni pokwang! Parang lasing
lang ako sa English! Eemo na kasunod nito! Haha) natanong ko na kasi yan minsan
dahil yong personality ko ang problema, syadong strong at nakaka-intimidate ako
sa marami lalo naman sa mga lalaki! (ganyan! Echos panakot!) kaya ko naman
magtagal but ang tanong kaya ban g tao magtagal sa personality ko! (ober da
bakod haha) I know kasi God won’t give you everything in this world. Malakas ang
kutob ko successful ako sa career ko, sa pangarap ko, yong dream ko na
magsasalita sa harap ng buong tao, hindi lang isang bansa nasa likod ko pero
marami (to clear, hindi yan politician! Haha) makapagtravel ng libre sa buong
mundo pero failed ako sa relationship! Hahaha tan-enah! Yon pa naman ang
pinakamasaya! Charos!
dalawang tao lang ang alam kong kinaya niyang patamblingin
ang ugali ko at hindi na nagwork din for some reasons na madali lang
maintindihan ng iba. (ganyan! Char haha) oo, simply ang reason pero mahirap tanggapin.
Nahihirapan ako those moment sa life ko but dahil na rin sa pagiging busy ko,
nakakalimutan ko na pero may mga pagkakataon pa rin that reminds me of him pero
echos lang yon! Haha honestly, meron talaga pero its not like before na hindi
talaga ako nakakatulog (may ganyang arteh!), nasobrahan lang ako sa kapeh
siguro sa mga panahong iyon!
People say na ang babae ang hinahanap nila ay yong tulad ng
tatay nila, ang lalaki tulad ng nanay nila. Impossible isipin pero totoo yon,
ang nag-aatract sa babae at lalaki ay mga qualities na nakikita nila sa
magulang nila dahil ito ang kinalakihan nila. Charing! Para sa akin it
happened, sa kapatid ko ganon din. May pressure slight kapag ang nakikita mong
magulang ay buong nagmamahalan, no lies and even my mom died already, ayaw ng
mag-asawa ni pader! (good kasi pasok sa banga ang babaeng yon! Uunahan pa kami
ng kapatid ko! Haha)
Sa 2013, ayoko ng maghope, but nakakahawa minsan sila sis
arline at ang mga pugi na si jon, archie, rix, tonio, cyron, bagotilyo, empi,
pao, at bino na hopeful talaga sila sa 2013. Parang ngayon ko lang narealize na
come what may nalang ako! Hahaha madami pang mangyayari sa buhay ko basta hindi
pa end of the world, baka sa susunod hindi lang tambling ang kaya gawin ng
taong darating baka pwedi na rin siyang umakyat sa coconut tree para kumuha ng
buko at coconut para sa aking buhok pang hot oil. Haha
Iba ang nagagawa kapag may sakit kung ano-ano ang naiisip. Lels!
