Showing posts with label Reality. Show all posts
Showing posts with label Reality. Show all posts

Saturday, January 12, 2013

Reality 5: Na-Interbyu ko si KRAS after 17 yrs. part 1.

Gusto ko lang paglaruan ang pic nito,
yan ang wala sa sariling pose ni kras.
nagpaalam naman akong magnakaw ng pic niya lol
Sino naka-alala ng first crush nong high school? May maganda ako experience dyan, nga-nga lang talaga ako noon! But it’s one of the best experienced I had, na-enjoy ko ang aking high school! Hahaha

At after 17 years ata, nakausap ko siya ngayon na walang kaba, hindi ako nanlalamig at natatanga ulit! Hahaha amfutek lang!! kumusta naman kaya yong mga panahon na ang nga-nga ako! Hindi ako makalapit kasi it feels so cold, hindi ko magalaw ang aking mga paa! Halah noh natatawa ako if I remember those days.

Friday, January 04, 2013

Reality 3: ito na ang aking daan…pinagdadaanan


Lumiko ako minsan sa buhay ko, no worries hindi naman ako nag-drugs or nagbenta ng katawan. Lol umabot lang sa ponto na nagugulohan ako sa buhay ko, hindi ko alam ano ang gusto ko, sumabay pa ako sa problema ng mama ko at that time, I know I was selfish, immature and stupid.

Yong mama ko, was once a head sa isang government agency, my mom has also a strong personality, kung ano ako ngayon, yon talaga siya no more no less. Dahil sa strong personality na yan at sa pagiging committed sa trabaho, nakita niya ang kanyang mga staff na may corruption ng nagaganap, pinatawag, inayos. Tuloy ang buhay pero hindi na mauulit ang mga bagay na yong mga staff used to do, malaking pera yon, alam ko na ngayon kung bakit dahil gaya ng sabi ko tinahak ko rin ang profession niya.

Dahil sa galit at hiya nong mga staff na yon, nagkaron ng gulo, yong mga corrupt gumawa ng isang groupo para alisin ang mama ko sa position, may isang tao rin kasing gusto kunin ang position kaya gumawa ng mga eksena, naghanap ng butas. Ayaw ng mama ko ng gulo, nagresign kagad si mader, mga high school pa ako noon, mahirap kasi provided kami mula pagkabata hanggang lumaki until dumating ang problemang yan. Sumakay ang aming lawyer, binenta niya ang case namin sa kabila, umabot na nga kami ng supreme court eh. Alam niyo anong hirap dinaanan ko non, yong trauma na bawat mailman na dumarating sa bahay na nagdadala ng sulat galing sa mga court, nanginginig ako sa takot. That was ten years higit pa… walang kaluluwa ang mga taong gumawa non sa amin, kala mo sila lang ang kumakain.

Naging swerte si mommy right after that kasi tinanggap siya sa isang agency ulit where in yong mga pesteng corrupt na mga tao, dadaan sa kanyang mga kamay kasi hihingi ng tulong, nasa regional agency naman siya that time. Nakita ko ang hirap ng mama ko, yong iyak araw-araw, yong sakripisyo namin, yong adjustment lahat na. sa araw-araw ng buhay ko that time sabi ko hanggang kelan matatapos to, pano ako makakaganti. Hindi nacontento ang mga taong yon, naghanap ulit ng butas, nangyari na nga kinakatakotan namin. She left the service without nothing sa kamay niya after almost 36 years of service sa government. mga panahong yon, wala akong magawa, hindi ako makagalaw kasi kahit ako may issue rin sa sarili ko, gulong gulo ako. Napasok ako sa isang government agency at believe it or not, it’s the same agency  saan ang mama ko nagttrabaho pero hindi sa city, sa isang province naman but kapag may regional meetings, nagaabot ang mga tao sa municipality, city at province.

dito nagsimula ang lahat, i was so bitter din kahit noon pa man. hindi ko alam kung dahan-dahan ba akong nakamove-on sa pinagdaanan ko kasi looking back, i was really angry until slowly huminahon ako... 


Si mommy noon pa man gusto niya akong mag-aral na ng social work, pero hindi ako handa sa mga panahong yon, hindi ko pa alam ano ang para sa akin at gulong gulo pa rin ako. Araw-araw, lagi niya sinasabi “alam ko  nasa isip mo, hinding hindi mo magawa ang gusto mo kapag hindi ka mag-aral ng social work” tahimik ako palagi kapag ang mama ko na nagsasalita. The painful there was before she died, siguro months, she said “be a social worker para isang araw, you will tell those people right in front of their face na anak ako ni… and what now?!” lagi na niya yon sinasabi even before then pero that year, months before she died I already decided na mag-aaral na ako ng social work, magsstart na ako ng summer.  

It was really painful when the last memory na lagi kong maalala is yong sinabi niyang balikan ko yong mga taong umapi sa kanya, sa amin. Paulit ulit nasa utak ko yan hanggang ngayon.

Gusto ng mama ko na Makita ako ng mga taong umapi sa amin na may natira pa rin sa pamilya namin, na ako daw ang tatayo para sa kanya, ako ang tatapos sa laban na binitiwan niya minsan. Sobrang bigat yan at pilit ko mang burahin sa utak ko, napapaniginipan ko ang mama ko, alam ko hindi pa siya tahimik until I will get that license. (may board exam kasi ang social work)

Kaya habang nag-aaral ako ngayon, lagi kong dinidream at hinihingi na sana mag-top ako sa board exam (ambisyosa ako ano pero kailangan kong gawin to) kasi ito lang ang alam kong pwedi masabi ng lahat na ang anak ni… sumunod din sa yapak ng mama niya. May legacy na naiwan ang mama ko dito at yan ang pressure sakin ngayon. Todo kayod ako sa pag-aaral na hindi ko naman ginagawa noon, ayoko nga magbasa ng libro noon, maganda pa ang books noon kasi hard bound, may pictures, glossy pa pero  ngayon kahit photocopy lang kasi wala kaming libro sa social work talaga, pinagttyagaan kong basahin para isang araw pagdating ng board exam, maabot ko ang gusto ko at mabandera ang mukha ko sa harap ng opisina nong mga taong pesteh! (oo, paglabas kasi nila sa opisina eh paaralan ko na, kapag may pumasa sa course namin, ang laki ng tarp nakalagay kasi kami lang din ang nag-offer ng social work dito sa city namin.)

At ang masakit pa, isa sa mga anak nong taong umapi sa amin, eh classmate ko. Araw-araw lagi ko naalala yong iyak ng mama ko, hirap at lahat. hindi ko man masabi sa kanya ng diretso kasi bangayan ng magulang yon eh wala siyang alam pero ang pinapakain ng magulang niya sa kanya ay yong pera nakaw sa gobyerno. Kaya slight nalang ang ginagawa ko, kapag nagrereport siya, bonggang bombah na questions ang tinitira ko yong the whole period hindi siya makaupo lol

Ang buhay ay iikot talaga parang earth nga lang kasi isipin niyo kapag makuha ko yong license, isang araw malaking chance na magkakaharap kami dahil parehas na kami ng profession. Siguro sa panahong yan, matatahimik na rin ang mama ko, kasi hanggang ngayon alam ko, hindi pa niya natapos ang mission niya dito sa mundo. In fact when she died, nagparamdam siya sa close friend nya, nagusap sila sa panaginip, umiiyak ang mama ko, ang sabi niya ayoko pang mamatay kasi may gagawin pa ako pero ang katawan ko bumigay na. it crashed me kasi alam ko ano pa ang kulang at hanggang ngayon dala-dala ko yan, tawa lang ako ng tawa sa araw-araw sa mga comment na nakikita niyo pero deep inside me, ito ang reality ko sa buhay ko.



Itutuloy…





Reality 2: Ito ang daan mo... dito ka dumaan part 2.


­­Hindi pa tapos ang kwento nong “ito ang daan mo, dito kadumaan” akala ng lahat happy ending dahil pumasa ang kapatid ko sa licensure exam, that was 3 years ago I think and madami ang nagbago pagkatapo doon. There are a lot of things in life na hindi talaga natin maintindihan or we just don’t want to understand it, you think?

Gaya ng sabi ko, after months pumasa ang kapatid ko, my mom was hospitalized, na-icu and she died after almost 7 days UNEXPECTEDLY. Oo, unexpected yon dahil sa unang pagkakataon na nagstay kami sa hospital dati for almost a month dahil that time nararamdaman kong nagpapaalam ang mama ko sa amin pero yong year 2011, biglaan at nag-expect kami na maayos dahil nasa best hospital siya namin nilagay. Pero bigo kami. Ito ang kwento…

Si sisteraka alam ng madla na ang faith niya beyond sa isang normal na tao na madasalin, lahat ng galaw niya sa buhay ay hinihingi niya kay lord, decision man or may gusto siya. When my mom died, she asked a lot of questions, I wondered bakit nasa bahay lang siya lagi even Sundays. Araw-araw umiiyak. Affected ako pero pinilit kong hindi ipakita dahil kailangan ko maging strong para sa pamilya ko, galit  na galit siya sa akin dahil wala daw akong puso, pusong bato nga ang sinasabi niya sa mga relatives naming dahil para daw wala akong pakiramdam, hindi niya alam na affected ako pero hindi ko lang pinapakita para hindi siya lalong manghina, ako ang kamukha ng nanay ko, ako talaga ang replica ng nanay ko, sa galaw, salita, pananamit, pananaw sa buhay and lahat ng tao inisip hindi ako affected? Hindi lang ako showy those times.

After God answered my sister’s prayer na pumasa sa board exam, biglang tinapon niya ang pangarap na iyon na naging nurse siya, ayaw na niya kasi dahil daw sa trauma niya. Naintindihan naming siya kasi mahirap nga iyon, matagal na panahon na binalewala niya si god, nawala na ang faith niya, nagagalit siya sa diyos lagi niyang sinasabi na kapag may saya laging may kapalit, kapag pinagsabay ang diyos at hiling mo daw sa buhay, laging may mangyayari daw. Lagi pa niya akong pagbintangan na I don’t go to church, I don’t even know how to pray daw at malayo ako sa diyos, sa galit ko na talaga sabi ko sa kanya “ako? Oh! Where’s your faith now? after namatay si mommy, nakalimutan mo na ang lahat pero ako despite of not seeing me in church or even praying, I keep my faith, now tell me, saan pagiging faithful mo!?” lahat ng depensang rason binibigay niya pero ulit-ulit ko pa ring sinasabi sa kanya nasaan ang faith mo.

3 years since she passed her licensure exam including na ang mga panahon she spent with my mom at home, until my mom died she never goes to work, ayaw niyang mag-apply. Ayaw na talaga niyang magnurse. Hindi naman siya pinilit ng tatay ko dahil naintindihan din naman siya. After months na namatay ang mama ko, she tried na mag-apply pero hindi sa pagiging nurse, ibang field and in fact gusto na niyang mag-aral din ng social work kung saan ako na-enrol months after the death ng mommy ko. Gulong gulo pa rin si sisteraka kung ano-ano na ang naiisip. Kung ano ang maisipan yon ang ginagawa.

Siguro sa sobrang bored niya year 2012, mga September siguro she finally decided na mag-nurse siya, bumalik sa dating routine na nagsisimba, naniniwala kay God, and there boom! Ang daming doors na nag-open sa kanya.  At first sabi niya, baka ito nga talaga ang calling niya. Sabi ko, give a try, malay mo, you prayed for this na maging nurse ka and hindi mo iseserve so better serve your profession. Biglang timing nag-apply at natanggap sa isang gov’t hospital kung saan ang hirap pumasok doon.

Kwento ni sisteraka sa isang kaibigan niya “bakit ang hirap ng pinagdaanan ko, bakit ako pa!” sabi nong kaibigan niya “alam mo sobrang guided ka sa buhay mo!” tumahimik daw si sisteraka and sinabi sa sarili niya na “oo nga sobrang guided ako mula pa lang sa board exam dahil lahat ng binasa ko yon ang lumabas tapos ito sa exam para sa trabaho, lahat ng ni-review ko, yon ang lumabas!” kinuwento ni sister sa akin ang kanyang realization and ang sabi ko lang sa kanya “bakit kasi you need to take another road when the right road is already given to you”

And ang usapang yan napunta nga sa…

Siguro if hindi ako lumiko, hindi ko ma-appreciate ang isang trabaho bilang nurse, hindi ko mavalue ang profession dahil unang una, hindi ko naman gusto maging nurse pero baka ito nga ang calling ko dahil god knows I am sensitive and taking care of the patients with extra care will help ease the family na maging okay din ang kanilang pasyente because I know what it feels like to be nong nahospital si mommy.  It took me years before ma-realize siguro kasi para malaman ko paano ko e-value ang work ko na meron ako ngayon. Those times also, ang recovery period ko para kaya ko ng tingnan ang isang tao nan aka-intubate or nasa icu.

Wala akong masabi but, at least now you know… kasi kahit ako may issue din sa sarili na minsan din akong lumiko sa buhay ko at pilit ko rin itong inaayos ngayon. Ikwento ko nalang yan separately. Haba na rin ito. Lol

Ngayon masaya si sisteraka, kapag may patient siya na napapasaya  niya pati yong pamilya, nagtetext at sinasabi niya ang nagawa niya dahil nasa dugo na talaga namin ang pagiging social worker siguro, instinct na kasi sa kanya ang extra care, interview, interaction sa mga patient na hindi naman madalas ganon ang mga nurses, ang sabi ko lang lagi, para ka dyan talaga, wag ka ng lumiko pa! lol then I never failed to tell her also na, every time may patient ka, don’t forget to pray para sa kanya, yong hindi siya masaktan at mahirapan kasi alam natin yan na pinagdaanan din minsan ni mommy yan. at ang sabi niya, oo nga i know what it feels like. one thing true in our life, yong reality talaga is, naiintindihan mo ang ibang tao kapag parehas kayo ng daan na tinahak sa buhay. if your calling is to be an engineer, you will really reign on that field, or nurse, doctor kaya lawyer, kahit anong profession pa yan kapag para sayo yan, para talaga sayo yan, walang liko walang tambling! 

Itutuloy ulit… pangatlong kabanata..



Thursday, January 03, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo… dito ka dumaan

Had a meeting today with my colleagues and it made me realize that finally, this is the road I want to take in my life, to be a registered social worker, consul, diplomat or an ambassador lol (abot langit ang ambition ko! Haha). I have been searching for answers to many questions for quite a long time, I’ve been through a lot of trials, I have been confused, bothered, even depressed once and I stood up. Though I know I wouldn’t make it without the guidance of my mother, she is not with us anymore but I could still feel her presence even in small things. Ito ang reality ng buhay namin minsan... unahin ko muna sa kapatid ko…

I just remembered something… ito na nga iyon.

My sister just got a new job and the same Ito ang kwento bago ang lahat…

Unang take ng kapatid ko sa board exam… she didn’t make it, lumbas yong result, nasa hospital pa yong mama ko and siyempre hindi nagsabi si kapatid dahil nahiya, nalaman ko sa kaopisina ko lang and I told my sister about it, and sabi niya “grabi si lord, bumagsak ako, nasa hospital si mommy” my mom told her “okay lang yan, pwedi pang umulit” but my sister sobrang na-depressed, ayaw na magtake, hirap din kami sa pera that time dahil naubos sa hospital, madaming utang, lahat na, parang pasan namin ang mundo.

When she decided to take a review again… ito ang kwento.

Walang wala kami at that time, halos hindi ma-enrol ang kapatid ko sa review na yon pero biglang may dumating at nakapag-enrol siya ng last minute. i have seen her commitment and dedication sa pag-aaral, sobrang determined.

Before taking the exam…

(ang kwentong ito ay saka lang niya sinabi lahat ng lumabas na ang resulta dahil ayaw daw niyang mag-assume sa ano man ang nakikita, nararamdaman niya sa mga panahong iyon)

My sister is prayerful, ako hindi lol (ganyan! Haha) she prayed to st. therese, may novena pa siya at kung ano-ano pa. before taking the exam, while going to the exam center, she saw petals of roses na siya mismo hindi rin daw niya alam saan galing. And she said, “if it’s you st. therese pls give me a sign” along the way na nasa jeep siya, may sumakay na pasahero may dalang mga red roses. Convinced na daw siya doon…

Pero… sa exam center na mismo…

She said silently (sa lola at lolo kong namatay na rin, malakas ang paniniwala ni sister sa mga kaluluwa lol) habang nagsisimula na siyang sumagot sa mga tanong  “nay and tay, pls show me a sign na binabantayan niyo ako” at bigla daw may mga group of ibons na umikot ikot malapit sa window niya at nagform ng circle at humangin then nawala.

After the exam… bumalik siya sa doon sa church na minsan niyang pinuntahan kung saan siya humingi ng gabay to pass her licensure exam, sa church na iyon may mga parang monks ba tawag doon, hindi ako sure pero basta may power2x ata yong mga yon sa pagkaintindi ko lol (hindi daw sila priest eh) yong monk na iyon, biglang may kinuhang papel sa isang box at he said “whoever owns this, will surely pass the exam” and he added na “madaming pumupunta dito to ask for help para pumasa ng exam pero wala ng bumabalik except the owner of this paper” ang sabi ni sister silently while the monk was holding her paper, “my god, akin ang papel na yan but ayoko mag-assume muna I will just wait for the result!”

On the second hand… may iba naman siyang pinuntahan (sabi ko sa inyo si kapatid kung makapagdasal to the highest ninth power talaga)

May pinuntahang tao si kapatid, yong may ESP naman, si st. Michael naman iyon. Sabi nong taong yon dahil close na close sila ng mama ko. Sabi ni sister “sana I can pass this time kasi walang wala na kami, halos nawala na sa amin lahat” sabi nong tao na close ng nanay ko “don’t worry, I promise you, I will give your mom a gift on her birthday! And yes, you will pass the exam!” so si kapatid, she left daw na magaan ang pakiramdam pero sabi niya sa amin hindi lang daw yon ang basehan dahil kailangan rin daw niya mag-aral. So tapos na ang kwento diyan.

Maniwala kayo or hindi yong expected result ng board exam eh hindi doon lumabas ang result instead lumabas siya sa ibang araw, sa kaarawan pa ng mama ko. I remember that day, when I scanned it dahil nagkagulo na ang lahat sa fb that time, I searched it, at nakita ko nga ang pangalan ng kapatid ko, I shouted like crazy because birthday din kasi ng mama ko yon, that was really the best gift na binigay sa kanya, totoo nga sabi nong close friend niyang may esp dahil may gift nga siya.

The other hand, gift pala iyon dahil yon na pala ang huling birthday ng mama ko, huling pagkakataon na masabi niyang, hindi pala niya pasan ang mundo, mom had the last pictures sa  mga kapatid niya at that was really the last. Mom prayed for it na sana daw hindi na siya tatanda pa dahil defensive si mommy ayaw kasi daw niyang one day nasa wheelchair na siya, ipapasyal sa mall, iba ang pananaw ng mama ko dahil social worker siya kaya alam niya saan mapupunta ang buhay niya, naiintindihan niya kung ano ang mangyayari kaya ako ngayon, the same path ang tatahakin ko, ito ang daan na binigay sa akin, ito na ang aking lalakbayin. Kaya siguro sabi ko, kapag inisip mo, ginusto mo and you prayed for it, it will happen because it really happened to my mom and sa akin ngayon, this is really now my reality and I have to live with it.

itutuloy next time... haba na! lol 

 

Tuesday, January 01, 2013

Reality 1: The bomb inside me

Pag-gising ko akala ko January  2 na at nagpanic akong tumayo kasi papasok sa trabaho. (gulat na gulat! Haha) i will make more things right this time, una sa pag-bblog, gusto ko ng ibahagi or idisclose slowly kung ano man ang totoong kwento ng buhay ko. Char! Ganyan! Keri lang yan! Positive-positive attraction pa rin ang gingawa ko ngayon! Lels! Ang buhay ko na minsan puno ng galit, sakit, saya at lungkot. Gaya ng sabi ko in the previous entries, ang tao kung ano man ang ugali niya, naging masama man siya or mabuti, hindi kereh ang ugali, may mga dahilan, factors na nagccontribute kung bakit nagkakaganyan ang tao pero laging may pagkakataon bagohin yan sabay ng pagbabago ng mga situation rin sa buhay niya. Ganyan lang! sumeryoso bigla! hahaha

Binago ko ang aking header para sa 2013, ito ay para ma-alala ko ang mama ko sa kulay yellow na yan, hindi dahil paborito ni Pnoy ang color yellow. Yong text na “hold onto someone who will make you the most you that you can possibly be” – attracted to this dahil hindi lang ito nag-rerefer to someone but the things na pwedi mong gawin or isang dream na maging daan para mahanap mo ang contentment at fulfilment sa buhay. Charos! Pero totoo yan! Hehe ito na nga ang realidad sa buhay ko at ikkwento ko yan buong taon kaya sana samahan niyo sa paglalakbay ng aking buhay (parang rizal na rizal lang! lol)

Unang reality na sasabihin ko... [nagpasabog na ako ng unang bomba kanina 12:30 am at sa pag-gising ko ganon din! (lbm kagad? lol)] 

seryoso na talaga...

sasabihin ko na...

Ang tunay kong pangalan! dahil sa pangalan ko lagi akong sumasabit sa mga transaction. Ganyan!

Aaminin ko na, hindi joke ang pangalan ko sa FB account, dahil yon talaga ang real name ko, yong apilyido ni mader before nag-asawa ay pinangalan sa akin, kaya ako talaga ang totoong MS. REDUNDANT!  Yan ang tukso sakin sa school at opisina dahil paulit-ulit ang pangalan ko! (dusa forever ako! Haha) pagdating naman sa mga transaction sa trabaho, pagkuha ng mga ID’s (tin, philhealth,gsis, etc) laging tanong at sinasabi “Miss… ayosin ang pangalan mo, paulit-paulit! Tanda mo na, hindi ka pa marunong mag-fill up!” oh divaah bonggang bongga sila ateh at koyah sa pagiging judgmental! (tan-enah! Bawal manapak! Lol) kereng-kere ang sagot kong (nakasmile) “it’s my real name, pls check my BC to confirm!” (arteh lang!) PAKS! Ganyan lang talaga teh! nasanay na ako sa isasagot ko! Lol buong buhay ko ng dadalhin ang linya na yan kahit sa burol ko malamang may magtatalo din! Chos! Hahaha

Ito ang unang reality ng buhay ko. Ganyan!

Abangan ang susunod… i still don't know what will happen in the next 365 days ng buhay ko, basta ito na ang simula ng buhay ko sa 2013 (parang narinig ko ito sa gma? lol)

I seriously woke up in a hurry thinking it’s January 2 already! Hahaha kakalokah!

5 days to go nalang pala at nasa number 3 nako, at hanggang ngayon walang pinagbago yon pa rin ang pangalan ko! Iyon ang araw ng pagkabuhay ng pangalan ko! Lol


Oppss.. (FB) message from GOD January 1, 2013 10:00am

You will feel better if you notice the sweetness of life.

Notice the smiles of children, the songs of the birds, and the caress of the sun's warmth. This sweetness is for you. Allow it to soothe your soul and bring a smile to your face.
Si God talaga... super nagparamdam na.


Happy New Year Everyone!