Yong mama ko, was once a head sa isang government agency, my
mom has also a strong personality, kung ano ako ngayon, yon talaga siya no more
no less. Dahil sa strong personality na yan at sa pagiging committed sa
trabaho, nakita niya ang kanyang mga staff na may corruption ng nagaganap,
pinatawag, inayos. Tuloy ang buhay pero hindi na mauulit ang mga bagay na yong
mga staff used to do, malaking pera yon, alam ko na ngayon kung bakit dahil
gaya ng sabi ko tinahak ko rin ang profession niya.
Dahil sa galit at hiya nong mga staff na yon, nagkaron ng
gulo, yong mga corrupt gumawa ng isang groupo para alisin ang mama ko sa
position, may isang tao rin kasing gusto kunin ang position kaya gumawa ng mga
eksena, naghanap ng butas. Ayaw ng mama ko ng gulo, nagresign kagad si mader,
mga high school pa ako noon, mahirap kasi provided kami mula pagkabata hanggang
lumaki until dumating ang problemang yan. Sumakay ang aming lawyer, binenta
niya ang case namin sa kabila, umabot na nga kami ng supreme court eh. Alam niyo
anong hirap dinaanan ko non, yong trauma na bawat mailman na dumarating sa bahay
na nagdadala ng sulat galing sa mga court, nanginginig ako sa takot. That was
ten years higit pa… walang kaluluwa ang mga taong gumawa non sa amin, kala mo
sila lang ang kumakain.
Naging swerte si mommy right after that kasi tinanggap siya
sa isang agency ulit where in yong mga pesteng corrupt na mga tao, dadaan sa
kanyang mga kamay kasi hihingi ng tulong, nasa regional agency naman siya that
time. Nakita ko ang hirap ng mama ko, yong iyak araw-araw, yong sakripisyo namin,
yong adjustment lahat na. sa araw-araw ng buhay ko that time sabi ko hanggang
kelan matatapos to, pano ako makakaganti. Hindi nacontento ang mga taong yon,
naghanap ulit ng butas, nangyari na nga kinakatakotan namin. She left the
service without nothing sa kamay niya after almost 36 years of service sa
government. mga panahong yon, wala akong magawa, hindi ako makagalaw kasi kahit
ako may issue rin sa sarili ko, gulong gulo ako. Napasok ako sa isang
government agency at believe it or not, it’s the same agency saan ang mama ko nagttrabaho pero hindi sa
city, sa isang province naman but kapag may regional meetings, nagaabot ang mga
tao sa municipality, city at province.
dito nagsimula ang lahat, i was so bitter din kahit noon pa man. hindi ko alam kung dahan-dahan ba akong nakamove-on sa pinagdaanan ko kasi looking back, i was really angry until slowly huminahon ako...
Si mommy noon pa man gusto niya akong mag-aral na ng social
work, pero hindi ako handa sa mga panahong yon, hindi ko pa alam ano ang para
sa akin at gulong gulo pa rin ako. Araw-araw, lagi niya sinasabi “alam ko nasa isip mo, hinding hindi mo magawa ang
gusto mo kapag hindi ka mag-aral ng social work” tahimik ako palagi kapag ang
mama ko na nagsasalita. The painful there was before she died, siguro months,
she said “be a social worker para isang araw, you will tell those people right
in front of their face na anak ako ni… and what now?!” lagi na niya yon
sinasabi even before then pero that year, months before she died I already
decided na mag-aaral na ako ng social work, magsstart na ako ng summer.
It was really painful when the last memory na lagi kong
maalala is yong sinabi niyang balikan ko yong mga taong umapi sa kanya, sa
amin. Paulit ulit nasa utak ko yan hanggang ngayon.
Gusto ng mama ko na Makita ako ng mga taong umapi sa amin na
may natira pa rin sa pamilya namin, na ako daw ang tatayo para sa kanya, ako
ang tatapos sa laban na binitiwan niya minsan. Sobrang bigat yan at pilit ko
mang burahin sa utak ko, napapaniginipan ko ang mama ko, alam ko hindi pa siya
tahimik until I will get that license. (may board exam kasi ang social work)
Kaya habang nag-aaral ako ngayon, lagi kong dinidream at
hinihingi na sana mag-top ako sa board exam (ambisyosa ako ano pero kailangan kong
gawin to) kasi ito lang ang alam kong pwedi masabi ng lahat na ang anak ni…
sumunod din sa yapak ng mama niya. May legacy na naiwan ang mama ko dito at yan
ang pressure sakin ngayon. Todo kayod ako sa pag-aaral na hindi ko naman
ginagawa noon, ayoko nga magbasa ng libro noon, maganda pa ang books noon kasi
hard bound, may pictures, glossy pa pero
ngayon kahit photocopy lang kasi wala kaming libro sa social work
talaga, pinagttyagaan kong basahin para isang araw pagdating ng board exam, maabot
ko ang gusto ko at mabandera ang mukha ko sa harap ng opisina nong mga taong
pesteh! (oo, paglabas kasi nila sa opisina eh paaralan ko na, kapag may pumasa
sa course namin, ang laki ng tarp nakalagay kasi kami lang din ang nag-offer ng
social work dito sa city namin.)
At ang masakit pa, isa sa mga anak nong taong umapi sa amin,
eh classmate ko. Araw-araw lagi ko naalala yong iyak ng mama ko, hirap at
lahat. hindi ko man masabi sa kanya ng diretso kasi bangayan ng magulang yon eh
wala siyang alam pero ang pinapakain ng magulang niya sa kanya ay yong pera
nakaw sa gobyerno. Kaya slight nalang ang ginagawa ko, kapag nagrereport siya, bonggang
bombah na questions ang tinitira ko yong the whole period hindi siya makaupo
lol
Ang buhay ay iikot talaga parang earth nga lang kasi isipin
niyo kapag makuha ko yong license, isang araw malaking chance na magkakaharap
kami dahil parehas na kami ng profession. Siguro sa panahong yan, matatahimik
na rin ang mama ko, kasi hanggang ngayon alam ko, hindi pa niya natapos ang
mission niya dito sa mundo. In fact when she died, nagparamdam siya sa close
friend nya, nagusap sila sa panaginip, umiiyak ang mama ko, ang sabi niya ayoko
pang mamatay kasi may gagawin pa ako pero ang katawan ko bumigay na. it crashed me kasi alam ko ano pa ang kulang at hanggang ngayon dala-dala ko yan,
tawa lang ako ng tawa sa araw-araw sa mga comment na nakikita niyo pero deep
inside me, ito ang reality ko sa buhay ko.
Itutuloy…