It’s been ten years since the last time sinipag akong
magblog lol
Hindi ko rin alam now kung sipag ba ito or sadyang kinarir
ko lang ang pinagdadaanan ko
May utang pa ako kay zai, empi at steph, nasa file ko pa
yong draft ng kwento ko sa kanila, nasa kalagitnaan na ako at biglang madaming
sagaball sa blogging career ko kaya natambak ko ang draft nila zai, empi at
steph. uunahin ko sana gawin yon kaso
ito na naman ang pakiramdam kong ayaw ko na talaga sana pero bakit ba! Naiinis na
ako ha!! Super! Mga moment na hindi na dapat mag-appear, super bitter pa rin
kasi appear ng appear hindi ko naman kailangan. (bigti mode)
Hindi ko rin naman masabi dahil sa super pagod ko lately sa
event at nagkakaganito ang pakiramdam ko. Totoo nga ang sabi nila when ang
dalawang tao may special connection kasi kung ano ang nararamdaman mo, yon din
ang nararamdaman ng isa. Isang halimbawa na naisip ko ngayon yong nag-iisip ka
na itext or tawagan mo yong taong mahal mo tapos siya rin the moment you think
about her/him pala, yon din nasa isip
niya. That is a very special connection kasi feelings niyo na ang nagsasabi
gawin ang mga bagay2x (wag grin yang utak mo, nakikita ko lol) na sabay.
Yan ang pakiramdam ko ngayon, ang bigat, mas mabigat pa sa
kuyukot na dinadala ko at pinipilit pa itong palakihin na parang
napaka-imposeble naman yata pero I will still try. You know. =)
Hindi na muna ako magjoke kasi seryos kasi tong post ko na ‘ito.
Rots.
Nahihirapan ako? Siguro kasi ayoko tanggapin yong closure. What
I mean is OO there is a closure pero ang iniwan ko yong mga magagandang alaala
dahil I want to live there, I want to live it that way kasi kahit anong galit
naman gawin ko, wala eh, wala naman, feeling ko in the end of it, nasa akin pa
rin ang mali, ang kulang but God knows how I tried to save it pero wala na
talaga. There are things we need to accept na kung hindi daw talaga para sa atin,
wag na natin itong ipilit.
Sa mga pagkakataong ito, gusto kong lumayo. Malayo sa
maiingay na ciudad, at manatili muna sa may bundok, yong pagkagising ko puro
kahoy lang ang nakikita ko, may dagat at may mga ibon na nagiingay sa paligid.
Wala namang tao or situation na nagpush sa akin na
maramdaman tong bigat sa dibdib ko, ito na talaga ang sinasabi kong special
connection between us kahit malayo na siya, wala na siya pero dahil may
pinagsamahan kayo, meron pa ring natitira kaya alam kong sa oras na ito abot
tenga ang ngiti niya, natagpuan na niya ang happiness na hinahanap niya, may
kayakap na siya hindi lang sa isang araw or dalawa pero pwedi na ring habang
buhay na. I remember that pain, tagos sa laman, sobra!
Napagod ako, parang gusto ko lang matulog ngayon, pinipilit
wag umiyak diba kasi wala naman rason, ok naman ako ayoko lang sa naramdaman ko
ngayon kasi sobrang bigat. Ito at ito lang yong pakiramdam ng malaman kong ang
pagiwan mo sa panahong yon ay natuto ka ng hindi na bumalik.
Sana pwedi kagad sumakay ng eroplano para lumayo at mag-isip
ulit. Gusto kong pumara ng airplane at magpunta ng hongkong Disneyland para
isiping bata ulit, walang problema, innocente ang pagiisip at hindi nagiisip pa
sa kinabukasan.
I’m just really sad.
Bear with me my blog. =)
Wanna escape for a while.




