Showing posts with label People. Show all posts
Showing posts with label People. Show all posts

Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Saturday, December 29, 2012

Ano ang reality mo sa buhay ngayon...


Ang isshare ko now – reality check sa buhay. Iba kasi nagtapos ang araw ko kahapon sa office and naconnect sa usapan namin ng sissy ko when we went out last night. i know that we have our own fields sa buhay, kanya-kanyang profession, gusto at hilig. Pero tanong ko, isa lang, haha what do you know about the profession na social worker? As in registered social worker? I just laughed when people answered na taga bigay ng bigas, relief kapag may disaster! Ganon lang yon? Hahaha may bagong trend naman ngayon, kapag sinabi social worker konek right away sa 4ps teh! Hahaha hindi ha! It’s beyond that sa totoo lang hehehe "from womb to tomb" sabi ng iba kasi lahat ng social problems, yon ang hinaharap namin! lels! kinarer! I cannot read mind and thoughts but I can assess bakit ang isang tao naging problema sa society natin, bakit may mga bata nasa institution, mga taong palaboy, addict etc... Saka na yang lecture na yan haha let’s go back. I  just wanted to share this para maiba naman, hindi emo ang ikukwento ko, hindi rin joke! Haha lels!

In the office we deal with a lot of social problems, everyday different situations, people and stories. Maawa ka minsan, maiinis ka. So kailangan malaking unawa para maintindihan sila pero teh! Minsan talaga dahil tao lang tayo, nagagalit ka rin and hindi mo maiiwasan ang situation na yan, walang santo sa mundo, if meron man pakilala mo sakin! Hahaha

About to end na kahapon, around 3:30 pm, may babae dumating, yong kasama ko talked to her, chika galore, humihingi ng pambayad sa hospital kasi nanganak! Ok naintindihan ang aspeto na iyan, PERO siya na yong nanganak, siya pa ang naghahanap ng pambayad ng hospital. Siya ha na kakapanganak pa lang, yong kasama kong kumausap sa kanya, nakikita ko na ang mukha na ALAM ko na! alam ko ng naiinis na siya.

Umalis ang babae… after 30 minutes bumalik.

May problema si ateh ulit! Wala silang pagkain. At take note, siya ulit ang pumasok sa opisina na kakapanganak pa, yong anak niya nasa hospital, naka-incubator pa. imagine? Siya na kakapanganak siya pa ang humingi ulit ng pagkain, siya ang magbibitbit ng bigas na ibibigay ng opisina. Ang tanong SAAN ANG ASAWA niya?! My officemate keep on asking saan ayaw niya magsalita, AT!!! Hindi lang pala unang anak yon teh! Wag ng itanong sakin kasi alam kong mas kukulo ang dugo niyo! Hahaha everyday ganyan ang mga situations na-eencounter namin, and slight pa lang yan, minsan may mga mentally challenge na nagdadala ng bomba-bombahan daw iyon at pasasabogin ang opisina namin, kuh teh! Nakakalukah! Kaya nakakastress talaga sa opes!

Si kapated naman ay isang nars!

Na-assign sa isang government hospital. Unang field, sa ob ward (different gov’t hospital) ngayon nasa suite room naman (another gov’t hospital) sa OB ward, sabi niya, laging no stock ang nakalagay sa mga resita ng pasyente niya so kailangan bilhin sa labas. Matagal daw bumabalik ang nauutusan bumili ng gamot, hindi lang minsan, madalas yan. Maya ko na kwento kong bakit, bitin slight muna teh! ngayon sa suite room naman, hindi daw sila naglalagay ng NS dahil iba ang policy.  Dahil nasa suite room sila, walang rason hindi sila makakabili ng gamot. (Check!) yong sa ob ward naman, matagal bumabalik kasi walang pambili, kailangan pang hanapin, at utangin sa mga kapitbahay nila o kamag-anak para mabili ang gamot kahit mefenamic lang yan, oo mefenamic pain reliever that cost na wala pang ten pesos pero walang pambili. Reality like this must see the government pero ewan ko ba! Nasa gobyerno ako at nakikita ko anong systema nila, wala ako sa position to raise that issue. The government turn deaf about it, as always! Our political system ay isang malaking factor na nakakahinder ng development sa community. (ma-shoot to kill na ako nito! Haha tama nayan!)

Sabi ni kapated, kapag sa ward nagkamali ang isang nars, wala ng tanong ang mga pasyente, pero kapag yong mga pasyente nasa suite room at nagkamali ang nars, nagrereklamo. Those patients or clients as common we used, sa opisina yan pumupunta kapag wala ng pambayad, we can assess them, we can link them to other line agency na pwedi tumulong sa kanila. Minsan ‘tong si kapatid, dahil sa awa ng mga patients niya sa ob ward dati, marunong ng gumawa ng love letter para sakin stating na “ate, please help kasi kawawa naman!” ganyan ang feeling at ugali namin kasi pinalaki at pinakain kami ng isang social worker licensed, yong nanay ko! Oo, yong mommy ko ay isang social worker kaya alam namin bakit may taong mayaman at mahirap, iba-iba ang ugali, pananaw sa buhay, gusto sa buhay, saan galing ang mga problema nila etc.. Pero ang lahat-lahat ay isang choice, a choice to be made na yan ang gusto mo maging sa sarili mo. amen! Hahaha






Monday, November 19, 2012

That feeling you will never forget

Maniwala or hindi! Ang professor ko ay isang classmate ng nanay ko since 1st year college until 4th year sila! Tan-ena! bohahaha they are really good friends sabi nitong professor ko. Yeah, before he became my professor, I heard a lot already about him from my late mother. Almost 35 years since college day’s nila! Woo! Lahat ng sabi ng nanay ko, sinabi din ng professor ko, nyay! Sa harap pa ng buong klase! They don’t have any past, I know kasi I can read between the lines naman, so wala, wala naman akong narinig either.

I just couldn’t believe that all the things my mom did noon, inaani ko ang kabutihan niya today. This professor keeps telling everybody in the class that, yong nanay ko ang inu-utangan nila kapag wala silang pera kasi my mom is very lucky that time dahil yong tatay niya (lolo ko) eh president ng del monte Philippines before that’s why may kaya sila at ang nanay ko yata daw ang walang problema sa pera. I remember mom told me before that this professor I have now he will just eat “kamote” kasi wala pang pera na pinadala galing sa probinsya. Ngayon? Successful na siya sa profession niya, he managed almost 300 people I think in his department sa dswd. Would you believe that? At its always in my mind what my mom told me that this professor, nangongopya pa dati sa case studies nila just to submit requirements. It’s so funny kasi today everybody respects him, kinakatakotan at dekalidad na tao na si sir! Hahaha but si sir, he admitted to the class that when he was in college, yong mommy ko ang kinokopyahan nila! Tan-enas nuh!!

What happened to them way back in college, it happened the same with me today. It just so happened that I already have a job while studying again, that’s why yong mga classmates ko rin kapag gipit sila minsan, they would ask sa akin if I have spare. Anak talaga ako ng mommy ko! Hahaha I walked the same path she did!

This professor can’t stop saying good things to my mom kasi I know he is very grateful dahil sa oras ng kagipitan my mom was there for them to rescue and stayed with them sa hirap at ginhawa. I always feel that gratefulness and I am proud of what mom did to them. Tama ang sabi ni mommy that bilog ang mundo, dahil hindi all the time nasa baba ang isang tao, dahil nasa baba man siya ngayon, bukas nasa taas naman siya! ganon daw talaga ang buhay! and i stand to believe on that matter!

Pressure is in me now! Activated! Nganga ako nito!! I need to double time pa kasi kahit mom is not with us anymore, ayoko pa ring mapahiya ang mommy ko! Hahaha mataas ang expectation ng lahat tan-ena ang word na expectation! Nyay! Lels! Hahaha He is old now, almost 65 years old and about to retire that’s why he took the opportunity to teach in order to pass what he learned, no one follow his footstep kasi his daughter took the other road of success. When I told this professor, “I took up social work because I want to continue the legacy mom left us” and the only thing he said “dapat lang may susunod sa pamilya niyo!” (may slight tampo pa ang boses ni sir address to his daughters! Lels!) and if it’s possible to run fast to reach that goal, ginawa ko na! lels!